Ano ang mga paraan na maipapakita mo ang iyong pagmamahal sa bayan? Basahin at alamin.
PAGMAMAHAL SA BAYAN – Ito ang mga paraan na maaring mong maipakita at maipamalas ang iyong pagmamahal para sa bayan.
Ang paggawa ng mga bagay at gawain na nagpapakita ng pagmamahal para sa bayan ay isang papel na dapat gampanin ng mga mamamayan. Ito ay tinatawag na patriyotismo o patriotism sa Ingles.
Ang pagsasabuhay ng katangian na ito ay isinasaalang-alang ang kabutihang panlahat. Kadalasan, ang patriyotismo ay iniuugnay sa nasyonalismo subalit ang dalawang salita na ito ay magkaiba.
Ang nasyonalismo ay ang pagiging makabayan at tumutukoy sa damdamin na nag-iisa sa mga tao na may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon.
Sa kabilang banda, ang patriyotismo ay isinasaalang-alang ang kalikasan ng tao magkaiba man ang wika, kultura, at relihiyon.
Ito ang mga paraan na mong gawin upang maipakita mo ang iyong pagmamahal sa bayan:
- Paggamit ng sariling wika.
- Pagrespeto at pagsunod sa batas ng gobyerno.
- Pagbigay respeto sa mga opsiyal ng gobyerno.
- Pagtangkilik at pagsuporta sa mga lokal na produkto.
- Pagsuporta sa mga programa ng pamahalaan.
- Paglahok sa halalan.
- Pag-aws sa mga gulo na makakasama sa reputasyon ng bansa.
- Pagtulong sa kapwa lalo na sa panahon ng mga sakuna.
- Pag-alaga sa mga likas na yaman ng bansa.
- Pagkakaroon ng disiplina upang mas mapaunlad ang bansa.
Isa sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang mahalin ang bayan ay upang makaiwas sa gulo at mapanatili ang katiwasayan sa ating bansa. Ito ang pagmamahal na magbubuklod sa mga tao ng isang lipunan.
Ito ay isa ring paraan upang maingatan natin ang ating mga karapatan at dignidad. At higit sa lahat, ang kasunod ng pagmamahal sa ating bayan ay pagpapahalaga sa ating kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng bayan.
READ ALSO:
- Uri Ng Talumpati – Ano Ang Mga Uri Ng Talumpati At Layunin Nito
- Simuno At Panaguri Halimbawa – Pagtukoy Ng Simuno At Panaguri
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter: @philnews_ph Facebook: @PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.