AKDANG PAMPANITIKAN HALIMBAWA – Pagtalakay sa halimbawa ng mga akdang pampanitikan at mga halimbawa nito.
Pag-aralan ang Akdang Pampanitikan kasama ang kahulugan nito at mga halimbawa. Talakayin ang mga iba’t ibang uri nito tulad tula, maikling kwento, pabula, parabula, epiko, alamat, sanaysay, talumpati, at marami pang iba.
Akdang Pampanitikan – Kahulugan At Halimbawa Nito
Ano Ang Akdang Pampanitikan? (Sagot)
AKDANG PAMPANITIKAN – Ang panitikan ay nag mula sa “pang-titik-an”. Ang kahulugan nito ay ang literatura o mga akdang nasusulat.
Ito rin ay naglalaman ng mga akdang tumatalakay sa pang araw-araw na buhay. Bahagi rin nito ang mga kathang-isip, pag-ibig, kasaysayan at iba pa.
Ang akdang pampanitikan ay tumutukoy sa mga akda o mga sulatin katulad ng mga tula, maikling kwento, pabula, parabula, epiko, alamat, sanaysay, talumpati at marami pang iba. Ito rin ay nagsasalaysay ng kaalaman, damdamin, kultura, at mga ideya nga mga tao.
Heto ang mga halimbawa:
- Maikling Kwento
- Ang maikling kwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay na naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari.
- Epiko
- Ang epiko ay isang tulang nag kukwento ng kabayanihan ng pangunahing tauhan. Bukod dito, ang ang pangunahing tauhan ay mayroong mga katangian na higit pa sa ordinaryong tao.
- Pabula
- Ang mga pabula ay mga kwento na kung saan ang mga pangunahing tauhan ay mga hayop. Ngunit, ang mga pangyayari sa kwento ay nasasalamin sa totoong buhay.
- Nobela
- Ang nobela ay isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga pangyayariing pinagdikit sa pamamagitian ng balangkas.
- Salawikain
- Isa sa mga itinuturo sa mga mag-aaral sa elementarya ay ang mga salawikain o mga kasabihan na mapupulotan ng aral. Sa katunayan, maraming bata ang mahilig kabisahin ang mga ito.
- Parabula
- Ang parabula o talinghaga ay mga maikling kuwento na galing sa bibliya na kung saan ang mga importanteng aral ay makukuha.
- Mito
- Ang mga mitolohiyang Pilipino ay mga paniniwala na mula sa panahon bago pa dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo.
- Kwentong–Bayan
- Ito ang mga alamat, mito, parabula, o pabula na matatagpuan sa ating bansa.
- Anekdota
- Ito ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa nakakatawa o kakaibang pangyayari o insidente.
- Haiku
- Ang Haiku ay isang uri ng panunulat na nagmula sa bansang Japan. Ito ay pwedeng i hambing sa “tanaga” o maikling tulang Pilipino. Ngunit, iba yung pamamaraan ng pagsulat nito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Halimbawa Ng Isyung Pangkalusugan At Kahulugan Nito