Ano ang kahulugan ng Klaster at Diptonggo at mga halimbawa nito.
KLASTER AT DIPTONGGO – Ito ang mga kahulugan ng klaster at diptonggo at ilang mga halimbawa ng mga topikong ito.
Ang diptonggo ay “binubuo ng isang patinig (a, e, i, o, u) na sinusundan ng isang letrang malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig”.
Ang mga diptonggo ay:
- aw
- iw
- ay
- ey
- iy
- oy
- uy
Ang isang salita ay hindi maituturing na diptonggo kapag ang isang patinig at isang malapatinig ay nahihiwalay o hindi sa iisang pantig.
Ito ang ilan sa mga halimbawa ng diptonggo:
- alingasaw
- alimpapayaw
- batingaw
- bayaw
- bitaw
- bugaw
- inggiw
- liwaliw
- maliw
- paksiw
- lakbay
- lagay
- lamay
- kasuy
- tsapsuy
- gradweyt
- intimeyt
- iskeyt
Samantala, ang klaster o kambal-katinig ay “dalawang pinagsamang katinig na bumubuo sa isang tunog”. Makikita ito sa unahan, sa gitna, o sa hulihang pantig ng isang salita. Hindi maituturing na klaster ang isang salita kapag ang dalawang magkasasunod na katinig ay hindi nabibilang sa iisang pantig.
Dapat ang dalawang magkasasunod na katinig ay nasa iisang pantig lamang.
Ang klaster napasok ng sakupin tayo ng mga dayuhan. Nang pumasok ang mga dayuhang ito, pumasok rin ang mga hiram na salita na nagtataglay ng mga klaster.
Mga halimbawa ng klaster:
- kart
- plantsa
- blangko
- plaka
- prinsesa
- makrema
- gripo
- prito
- tsaa
- plato
- braso
- blusa
- drama
- dyip
- klase
- trumpo
- tsinelas
- globo
- tseke
Ang dalawang topiko na mga ito ay ilan sa mga mabilis tandaan at madali na pag-aralan.
READ ALSO:
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.