PAGPUTOL NG PUNO – Ito ang mga masasamang epekto ng pagputol ng puno sa kapaligiran at sa kabuhayan ng mga tao.
Ang puno ay isa sa mga pinakamahahalagang bagay sa mundo. Bukod sa mga kagamitan na naidudulot nito na ginagamit natin sa pang-araw-araw, ang mga puno rin ang source ng oxygen na ating ini-inhale. At kapag walang puno, ito ang mga masasamang bagay na maaring mangyari.
Epekto Ng Pagputol Ng Puno (Mga Kasagutan)
Ano ang mga epekto ng pagputol ng puno? Alamin!
EPEKTO NG PAGPUTOL NG PUNO – Ang kahalagahan ng mga puno sa tao at kalikasan at epekto ng pagputol ng mga ito.
Maituturing na likas na yaman ay ang mga puno sa ating kapaligiran. Masarap sa mata na makita ang mga berdeng dahon nito at masarap sa pakiramdam na madama ang malamyos at ginhawang dala ng silong nito.
Subalit marami sa mga tao ay mapang-abuso. Marami ang umaabuso sa kapaligiran at ang mga mapang-abusong gawain na mga ito ay bumabalik rin sa mga mamamayan. Tulad na lamang sa walang habas at iligal na pagputol ng mga puno sa kapaligiran at sa mga kagubatan.
Ito ang ilan sa mga epekto:
- Mawawalan ng tahanan at natural habitat ang napakaraming hayop tulad ng ibon.
- Pinaiiksi nito ang buhay ng kapaligiran at buhay ng mundo.
- Pagkakaroon ng mga malalalang landslides at pagbaha.
- Mawawalan ng source of oxygen ang mga tao.
- Magiging kaunti o mawawalan ng source ng pagkain ang mga hayop.
- Ang pagputol ng puno ay maari ring magresulta sa kaunting pagmumulan ng kagamitan na ginagamit ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
- Malaking pagbabago sa klima ng mundo.
- Pagtaas ng lebel ng greenhouse gases na magreresulta ng matinding init sa mundo.
- Ang kawalang ng tahanan ng maraming hayop ay magiging dahilan ng kanilang kamatayan na magiging dahilan ng pagkawala ng balanse sa ecosystem.
Ang isyung-pangkapaligiran tulad nito ay hindi dapat ipagsawalang-bahala na lang dahil hindi lang buhay ng mga hayop ang nakasalalay kundi buhay rin ng mga tao. Lubos na maaapektuhan ang pamumuhay ng mga epekto dahil ang kawalan ng mga puno sa kapaligiran ay isang malaking kawalan para sa lahat.
READ ALSO:
- Who Is The Father Of Modern Philippine Painting? (ANSWER)
- Gilda Cordero Fernando Biography and Some Of Her Famous Works
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.