Ito ang Ang Itim Na Kuting story ni Natasha Vizcarra – ang buong kwento.
ANG ITIM NA KUTING STORY – Si Natasha Vizcarra ang nagsulat ng kwentong “Ang Itim Na Kuting” at ito anf buong kwento.
Natasha Vizcarra ay isang manunulat at editor. Nakasulat na siya para sa Forests News, Landscape News, Science Findings, at High Country News. at ang kwento niyang “Ang Itim Na Kuting” ay isa sa mga sikart niyang nasulat.
Ang kwentong ito ay nanalo ng 1996 Grand Prize Winner of the PBBY-Salanga writer’s prize and PBBY illustrator’s Prize.
Ito and buong kwento dito:
Akala ni Ignacia, ang itim na kuting, ay wala nang aampon sa kaniya. Sa isang bahay ay tinawag siyang, “Multo!”
Sa isa naman ay, “Malas!” Sa isa, “Uling!”
“Hindi ako uling,” halos hikbi ni Ignacia.
“Hindi ako malas at hindi ako multo. Isa akong itim na kuting.”
May mga tumama naman. Sabi ng nagwawalis sa isang bahay: “Aaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Puuuuusang itiiiiim!”
At ang sigaw ng ale sa malaking bahay ay “Aaaaaeeeeeiiii! Pusaaaaa!” Pero, hindi naman siya kinupkop nito.
“Hmmmmm… Kailangan ng espesyal na pagpapakilala sa susunod na bahay.”
Kaya si Ignacia, ang itim na kuting, ay nag-isip at nangarap, nagplano nang nagplano. Nakakita siya ng pangkulay at malaking papel. Siya’y nagsulat, nagdrowing, at nagkulay.
Sa dulo ng daan kung saan maraming puno at mga bulaklak na kampupot, nakakita siya ng simpleng bahay. At dahil maliit lang siya at napakalaki naman ng tarangkahan, sumigaw na lang si Ignacia ng isang malakas na “Ngiyaw?!” Lumabas ang isang batang babae.
Tuwang-tuwa na kakargahin na sana niya si Ignacia ngunit biglang nagtalumpati ang kuting. “Magandang umaga ho! Ako si Ignacia, isang kuting na itim, gaya ng nakikita ninyo. Hindi po ako malas, hindi uling, at hindi multo,” ang sabi ni Ignacia habang itinuturo ng kaniyang mahabang buntot ang kaniyang mga drowing.
“Alam ni’yo po ba? Masarap at mainam ang mag-ampon ng kuting. Kapag inampon ninyo ako, puwede akong humiga sa mga importanteng papeles ng nanay at tatay mo para hindi tangayin ng hangin. Puwede rin akong pampainit ng paa kung maikli ang kumot. Puwede ring bandana; tagagising tuwing umaga; ilaw kung brownout; kausap kapag malungkot; masahista; tagakiliti; tagakamot (‘yung hindi masakit); mas magaling akong magtantiya ng panahon kaysa PAGASA; estatwa; bantay sa kusina; at siyempre, tagahuli ng daga.”
“Paglaki ko, puwede rin akong manghuli ng ibon…Ka-ka-ka…”
Medyo hiningal ang kuting. Magsasalita na sana ang batang babae nang nagpatuloy si Ignacia.
“Puwede ko po ba kayong maging nanay?”
“Puwedeng-puwede.”
Sa tuwa ni Ignacia, nagsitinghas ang balahibo niya sa likod ng tainga. “Prrr-mmmrrr-rrrrrrr…”
Kaya lang, nang pinapasok na ng bata si Ignacia, kung saan-saan siya nagtatakbo. Kung ano-ano ang itinanong. Hinanap niya ang kuwarto ng bata. “Anong oras n’yo gustong magpagising?”
Hinanap niya ang kusina. “Dito na lang po ako matutulog.”
Itinanong niya kung saan tumatambay ang mga daga. “Gaano kalaki po ba ang mga daga rito?”
“Sssttttttt… Huminahon ka muna,” ang bulong ng bata. “Pero, ang mga daga…”
“Magandang kuting, wala kaming mga daga rito.” Kinamot ng bata si Ignacia sa likod ng tainga.
Kinarga niya si Ignacia sa kusina. Pinainom niya ang kuting ng mainit-init na gatas. Nang nabusog na si Ignacia, tinulungan siya ng bata na maglinis ng katawan.
Kinarga uli ng bata si Ignacia at dinala sa hardin. Hinalikan ng bata si Ignacia at ang sabi ay “Ayaw ko ng yaya. Gusto ko ng kaibigang pusa.”
At kontento at mahimbing na natulog si Ignacia sa piling ng kaniyang bagong nanay sa hardin na mahangin, sa lilim ng maraming puno.
READ ALSO:
- Humanism Examples – What Is The Concept Of Humanism?
- Writing Prompts – Understanding and Defining Writing Prompts
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews, and YouTube channel Philnews Ph.