Lenggwahe – Ano Ang Kahulugan Ng Lenggwahe, Mga Halimbawa Nito

Alamin ng kahulugan ng lenggwahe at mga halimbawa,

LENGGWAHE – Pagtukoy sa totoong kahulugan ng lenggwahe, mga halimbawa, at kahalagahan nito. Alamin!

Ang mga mamamayan ng isang bansa, upang magkaintindihan, ay kailangang aralin ang iisang lenggwahe. Ang salitang ito ay nanggaling sa salitang Espanyol na “lenguaje”. Bawat bansa ay may kanya-kanyang salita at para sa pangkalahatan, tinuturo sa atin ang salitang Ingles, ang ating lingua franca.

BASAHIN: Kahulugan Ng Kalayaan – Ano Ang Tunay Na Kahulugan Ng Kalayaan?

Lenggwahe

Sa Pilipinas, ang ating lingua franca ay Tagalog. Ang pagkakaroon ng pagkakaintindihan gamit ang magkatulad na salita at wika ay nagbubunga ng pagkakaintindihan, malayang komunikasyon, at kapayapaan.

Ang lenggwahe ay wika. Ang wika ay nangangahulugang “isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar” at “isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga signo, tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan”.

Maraming uri ang wika at ito ay mayroong iba’t ibang katangian. Marami ring teorya ang wika at ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

  1. Teoryang Bow-wow 
  2. Teoryang Ding-dong
  3. Teoryang Pooh-pooh 
  4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay
  5. Teoryang Sing-song
  6. Teoryang Biblikal 
  7. Teoryang Yoo He Yo
  8. Teoryang Ta-ta
  9. Teoryang Mama 

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng lenggwahe:

  • Filipino
  • English
  • Japanese
  • Chinese
  • Korean
  • Thai
  • French
  • Spanish
  • Italian

Ang isang tao ay maaring maging Tri-Lingual (ang kakayahan ng isang tao na makapagsalita ng tatlong wika) o bilingual (ang kakayahan ng isang tao na makapagsalita ng dalawang wika). Ang dating Pangulong Benigno Aquino III ay nagsabi noon:

“We should become tri-lingual as a country. Learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and connect to our country. Retain your dialect and connect to your heritage.”

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.