Share to Facebook Share to Twitter More...

KAHULUGAN NG WIKA – Ang Kahulugan At Ang Buod Ng Uri, Teorya, At Katangian

KAHULUGAN NG WIKA – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin ang kahulugan ng wika at ang buod ng nakapalibot nito na kabilang ang uri, tanda, at teorya.

KAHULUGAN NG WIKA

Kahulugan

Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga signo, tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang sistemang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa paraan ng pagsasalita at pagsusulat.

Mga Uri ng Wika

  1. Balbal – Ang pinakamababang antas at bumubuo nito ng mga salitang kanto.
  2. Lingua franca o Panlalawigan – tumutukoy sa salitang ginagamit ng partukular na lalawigan
  3. Pambansa – Ito ay ginagamit ng buong bansa
  4. Pampanitikan – Ginagamit ito sa panitikan katulad ng tayutay, idioma, at iba pa.

Mga Katangian ng Wika

  1. Ang wika ay masistemang balangkas
  2. Ang wika ay sinasalitang tunog
  3. Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog
  4. Ang wika ay komunikasyon
  5. Ang wika ay pantao
  6. Ang wika ay kaugnay ng kultura
  7. Ang wika ay ginagamit
  8. Ang wika ay natatangi
  9. Ang wika ay dinamiko
  10. Ang wika ay malikhain

Mga Teorya ng Wika

  1. Teoryang Bow-wow – mga tunog na niliha nga mga hayop.
  2. Teoryang Ding-dong – ito ay mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran
  3. Teoryang Pooh-pooh – ang paggamit ng bibig na bumubuo ng mga tunog na galing sa mga emosyon
  4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay – ang wika ay galing sa mga tunog na nilikha galing sa mga ritwal.
  5. Teoryang Sing-song – ang wika ay galing sa musika
  6. Teoryang Biblikal – Genesis 11:1-8 na nagsasabi na ang buong lupa ay iisang wika at iisang mga salita
  7. Teoryang Yoo He Yo – natuto ang taong magsalita dahil sa kanyang puwersang pisikal.
  8. Teoryang Ta-ta – nangahulugang itong paalam.
  9. Teoryang Mama – unang sinabi ng sanggol dahil hindi niya masabi ang salitang mother.
  10. Teoryang Hey you! – teoryang mula sa linggwistang si Revesz.
  11. Teoryang Coo coo – tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya nga mga matatanda
  12. Teoryang Babble Lucky – nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao.
  13. Teoryang Hocus Pocus – nanggaling ang wika sa tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyon ng mga ninuno.
  14. Teoryang Eureka! – ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.
Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "KAHULUGAN NG WIKA – Ang Kahulugan, Buod Ng Uri, Teorya, At Iba Pa". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.