Pagtalakay sa gamit ng wika sa lipunan na dapat mong malaman.
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN – Ang mga gamit ng wika sa lipunan at ang pagpapaliwanag sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
Ang wika ang gamit ng tao upang makipag-ugnayan. Sa kabilang banda, ang lipunan naman ayon kay Emile Durkheim ay isang buhay na organismo na dito nagaganap ang mga pangyayari at gawain at ito rin ay walang tigil na kumikilos at nagbabago.”
Ang isang lipunan ay binubuo ng istrukturang panlipunan na may iba’t ibang aspeto tulad ng institusyon, social group, status, at gampanin at kultura. Sa ilalim ng kultura ay napapaloob ang mga elementong paniniwala, pagpapahalaga, norms, at simbolo.
At sa isang lipunan, ito ang mga gamit ng wika:
- Instrumental o pagtugon at pagtukoy sa pangangailangan ng tao tulad ng liham patnugot at pangangalakal at mga patalastas.
- Personal o para makapagpahayag ang isang tao ng kanyang sariling opinyon tungkol sa isang bagay tulad ng talaarawan at journal.
- Impormatibo o para makapagpaalam ng ibang tao ng tungkol sa isang bagay sa pamamagitan man ng pasulat o pasalita. Ilang halimbawa ay ang thesis at pag-uulat.
- Regulatoryo o paggamit para makontrol ang ugali o asal ng ibang tao, sitwasyon o kaganapan katulad ng direksyon papunta sa isang lugar o mga direksyon sa pagluto ng isang pagkain.
- Interaksiyonal o wika para mapanatili ang relasyong sosyal sa pamamagitan ng pagku-kwento, pagbibiro, pang- iimbita, pasasalamat, at pagpapalitan ng kuro- kuro.
- Heuristiko o paggamit ng tao ng wika para matuto, akademiko at/o propesyunal na sitwasyon, tulad ng pagbabasa at pakikinig.
Ang wika ay mahalaga upang klaro na magpahayag ng saloobin o adbokasiya. Sa pamamagitan ng malayang pamamahayag, nagkakaroon tayo ng pagkakataon para magpaalam at magwasto ng kamalian sa ibang tao.
READ ALSO:
- How Does Latitude Affect Climate? Here’s An Explanation
- Ralph Semino Galan Biography, Famous Works, and Achievements
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.