ANO ANG LIPUNAN – Kahulugan At Ang Binubuo Ng Lipunan

ANO ANG LIPUNAN – Kahulugan At Ang Binubuo Ng Lipunan

ANO ANG LIPUNAN – Sa paksang ito, alamin at tuklasin natin kung ano ang lipunan, ang kahulugang heneral at ng ibang tao, at ang bumubuo ng lipunan.

ANO ANG LIPUNAN

ANO ANG LIPUNAN

Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong naninirahan ng sama-sama sa isang nakaayos na komunidad na may iisang batas, kaugalian, at pagpapahalaga. Ito rin ay binubuong iba’t ibang mga samahan, korelasyon, at kultura.

Ayon sa mga kilalang tao

  • Emile Durkheim – Ito ay isang buhay na organismo na dito nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito rin ay walang tigil na kumikilos at nagbabago.
  • Karl Marx – Ito ay pinagkakikitaan ng tunggalian mg awtoridad. Ito ay bunga ng pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman para matugunan ang kanilang pangangailangan
  • Charles Cooley – ito ay binubuo ng tao na may magsalabid na samahan at tungkulin. Ang tao ay nauunawan at higit na nakilala ang kaniyang sarili nang dahil sa pakikisama sa iba pang mga miyembro.

Ang bumubuo sa lipunan

1. Istrukturang Panlipunan

Sa aspetong ito ay may iba’t ibang elemento:

  • Institusyon – isang kaayusang sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Binubuo ito ng:
    • Pamilya
    • Edukasyon
    • Ekonomiya
    • Relihiyon
    • Pamahalaan
  • Social Group – ito ay ang dalawa o higit pang mga taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng samahan sa bawat isa at gumagawa ng isang samahang panlipunan. May dalawang uri ito
    • Primary Group
    • Secondary Group
  • Status – Ito ay posisyong kinabibilangan ng isang tao sa lipunan. May dalawa ring uri nito
    • Ascribed Status
    • Achieved Status
  • Gampanin – Ito ay tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng lipunang kayang ginagalawan.

2. Kultura

Ito ay isang sistemang samahan na nagbibigay kahulugan sa pamamagitan ng pamumhuhay ng isang pangkat panlipunan. May dalawang uri ang kultura:

  • Materyal – kabilang ang mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pa.
  • Hindi materyal – kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at iba pa.

Sa aspetong ito ay may iba’t ibang elemento:

  • Paniniwala – ito ay mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniwalaan at tinanggap na totoo
  • Pagpapahalaga – ito ay isang basehan ng isang pangkat o lipunan sa buod kung ano ang maaring tanggapin at ano ang hindi.
  • Norms – ito ay mga asal, kilos o gawi na binuo at naghatid na pamantayan sa isang lipunan. May dalawang uri nito:
    • Folkways
    • Mores
  • Simbolo – mga kasangkapan na inilalapat ng kahulugan ng mga taong gumagamit dito.

BASAHIN DIN – KOLONYALISMO – Kahulugan At Tatlong Nasyong Nagsakop Sa Bansa

4 thoughts on “ANO ANG LIPUNAN – Kahulugan At Ang Binubuo Ng Lipunan”

  1. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong naninirahan Ng sama- sama sa isang nakaayos na komunidad na may iisang Batas , kaugalian, at pagpapahalaga. Ang bumubuo Naman sa lipunan ay istrukturang panlipunan at kultura.

    Reply

Leave a Comment