Antas Ng Wika – Mga Halimbawa At Kahulugan Ng Antas Ng Wika

Ano ang mga antas ng wika at ang kahulugan nito.

ANTAS NG WIKA – Pagtalakay sa mga iba’t ibang antas ng wika at mga halimbawa nito bilang palatandaan ng uri at antas sa lipunan ng isang.

Ang mga tao ay nabibilang sa iba’t-ibang uri ng antas sa lipunang kanyang ginagalawan. Ang mga antas ng wika na ginagamit ng isng tao ang palatandaan kung saang antas-panlipunan siya nabibilang. Ang mga pagkakaibang ito ay nahahati sa mga sumusunod na aspeto:

  • Katayuan o estado sa buhay
  • Edad
  • Kasarian
  • Grupo o pangkat etniko
  • Antas ng natapos
  • Kasalukuyang propesyon
  • Pagiging dayuhan o lokal

Ito ang mga antas ng wika:

  1. Pabalbal
    Ito ang pinakamababang antas kung saan ang mga salita ay may katumbas na “slang”. Ito ang wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.
    Mga Halimbawa:
    – Gurang (matanda)
    – Utol (kapatid)
    – Atab (bata)
    – Kana / Kano (Amerikana / Amerikano)
    – Yosi (sigarilyo)
  2. Kolokyal
    Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw pero may kagaspangan. Maari ring ang pagpapa-ikli ng dalawang salita ay mauuri sa antas na ito.
    Mga Halimbawa:
    – Aywan (ewan)
    – Tana (tayo na)
    – Naron (naroon)
    – Nasan (nasaan)
    – Kanya-kanya (kani-kaniya)
  3. Lalawiganin o Panlalawigan
    Ito ang mga dayalekto sa bansa na may kakaibang tono o punto.
    Mga Halimbawa (sa Hiligaynon):
    – Gab-i (gabi)
    – Pungko (upo)
    – Palangaa (mahal)
    – Kalamunding (calamansi)
    – Tindog (tayo)
  4. Pambansa o Lingua Franca
    Ito ang mga salita na ginagamit sa paaralan at pamahalaan. Ito rin ang mga salitang ginagamit sa aklat.
    Mga Halimbawa:
    – Ama
    – Anak
    – Sambayanan
    – Eksperto
    – Pagsusulit
  5. Pampanitikan
    Ito ang mga salita na ginagamit sa sining. Ito ang mga salitang mabubulaklak at mga matatalinhaga na ginagamit ng isang manunulat.

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook: @PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment