Ano ang mga halimbawa ng tambalang salita at mga kahulugan nito?
TAMBALANG SALITA KAHULUGAN – Ito ang ilan sa mga halimbawa ng tambalang salita at ang kahulugan ng mga ito.
Amg pagtatambal ay isang paraan upang makabuo ng salita. At ang mga tambalang salita ay ang mga salitang payak na pinagsama at kapag pinagsama ay bumubuo ng bagong salita na may bagong kahulugan. Ito ay may dalawang uri: tambalang salita na nananatili ang kahulugan (tambalang di-ganap) at tambalang salita na ang kahulugan ay iba sa kahulugan ng dalawang payak na salita na pinagtambal (tambalang ganap).
Tambalang di-ganap | Tambalang ganap |
lakbay-aral | sirang-plaka |
balik-bayan | pusong-mamon |
bahay-ampunan | balat-sibuyas |
Karamihan sa mga ito ay ginagamitan ng gitling (-) sa pagitan ng dalawang salita
Ito ang ilang halibawa:
- Taingang-kawali – taong nagbibingi-bingihan
- Patay-gutom – timawa, palaging gutom, matakaw
- Akyat-bahay – magnanakaw
- Boses-palaka – pangit kumanta, sintunado o wala sa tono
- Ningas-kugon – sinisimulan ang isang gawain pero hindi tinatapos
- Nakaw-tingin – pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
- Agaw-pansin – madaling makakuha ng pansin
- Sirang-plaka – paulit-ulit ang sinasabi
- Takip-silim – mag-gagabi,
- Bukang-liwayway – mag-uumaga
- Madaling-araw – pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway
- Hating-gabi – eksaktong alas dose ng gabi
- Tanghaling-tapat – eksaktong alas dose ng umaga
- Balat-sibuyas – iyakin, madiling umiyak
- Likas-yaman – mga yaman na nanggagaling sa kalikasan
- Tubig-alat – tubig na nanggagaling sa dagat
- Tubig-tabang – tubig na nanggagaling sa mga ilog, lawa at iba pa
- Kapit-bisig – nagtutulungan
- Dalagang-bukid – isang uri ng isda
Iba pang halimbawa:
Anak-pawis | Matanglawin |
Bahaghari | Biglang-yaman |
Buntong-hininga | Matapobre |
Kapit-tuko | Hampaslupa |
Dahong-palay | Akyat-bahay |
Silid-tulugan | Boses-ipis |
Bahay-aliwan | Ningas-kugon |
Bahay-bata | Agaw-buhay |
Anak-araw | Lakad-pagong |
Pamatay-insekto | Silid-aklatan |
abot langit | urong-sulong |
ningas-kugon | tuldok-kuwit |
kapit-bisig | bitukang-manok |
bantay-salakay | bukas-palad |
anak-araw | takip-butas |
pusong-mamon | lamang-lupa |
hampas-lupa | silid-aralan |
taong-gubat | silid-hapagkainan |
READ ALSO:
- Jun Cruz Reyes Biography and His Awards & Achievements
- Eros Atalia Biography and Some Of His Notable Works As A Writer
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.
Maraming salamat po for sharing this topic.
May the Lord blesses you with good health!
More powe!