Buod at aral mula sa kwentong “Alamat Ng Gubat” na isinulat ni Bob Ong.
ALAMAT NG GUBAT – Basahin ang buod ng kwentong “Alamat Ng Gubat” nga may-akda na si Bob Ong at mga aral na nakapaloob dito.
Ang kwentong “Alamat Ng Gubat” ni Bob Ong ya isang kwento na makakapukaw ng ating kamalayan patungkol sa ating lipunan. Ang bawat tauhan ay naglalarawan ng mga importantend usaping panlipunan tulad ng crab mentality, panlalalmang, pagsasamantala, ang pagnanais ng kapangyarihan, at marami pang iba na sinasalamin ang mga nangyayari sa ating lipunan sa kasalukuyan.
Basahin ang buod:
ANG ALAMAT NG GUBAT
(Buod)
Ang Alamat ng Gubat ay umiikot kay Tong, anak ni Haring Talangka, na nakipagsapalaran para mahanap ang puso ng saging sa gubat. Ang puso ng saging ang nag-iisang gamot na maaring makakapagpagaling sa sakit ng kanyang ama.
Nagsimula ang kanyang paglalakbay at una niyang nakita si Buwaya. Agad niya itong tinanong kung nasaan ang puso ng saging ngunit sa bawat tanong ay dapat kapalit na perlas. Si Maya, ang kanang-kamay ni Buwaya ay sang-ayon sa gawaing ito. At sa sandaling wala na siyang pambayad na perlas, ay inatake siya ni Buwaya upang lapain at kainin. Matulin siyang tumakbo upang iligtas ang sarili.
Kasunod niyang nakita ay si Leon. Inutusan siya nitong ibigay ang mga itlog na inagaw ni Buwaya kina Manok at Pagong. Ang kapalit ay ang pagturo nito kung nasaan makikita ang puso ng saging.
Sa kanyang naglalakbay, si Tong ay biglang nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Nakakita siya ng pulang bato at nalaman na ito pala ay si Ulang. Si Ulang ay nasa tabing dagat lamang – abala pero walang ginagwa. Hindi nagalaw at walang balak na gumalaw.
Tumungo na si Tong papunta kina Manok at Pagong nang may marinig siyang nagpupulong. Nagpupulong ang mga insekto dahil sa planong paghihimagsik ni Tipaklong. Naninindigan si Tipaklong na sila rin ay dapat matanggap bilang hayop. Ito ay dahil minamaliit sila ng iba. Subalit si Langgam naman ay di sang-ayon dito dahil marami maapektuhan sa paghihimagsik. Magkakaroon lang daw ng gulo lang sa maayos niyang mga negosyo at pagmamay-ari. Mariin niyang dinidiin na kaya itong gawin ni Tipaklong dahil wala namang mawawala sa kanya.
Nakarating na siya kina Manok at Pagong at binigay ang mga itlog sa kanila. Nagtanong siya kung saan makikita ang puso ng saging pero si Aso daw ang makakapagturo sa kanya kung nasaan makikita ang puso ng saging. Si Tong at tumungo papunta kay Aso kasama si Pagong.
Nang makita niya si Aso, kinakaiin at isinusuka nito ang kanyang suka ay agad na itunuro ang puno kung nasaan naroroon ang puso ng saging. Subalit may isang kasunduan bago ito makuha ni Tong – sa kanya ang puso ng saging pero kay Aso ang kahilingang nakapaloob dito. Narinig ito lahat ni Kuneho at tutol ito sa mga sinasabi ni Aso. Gusto ni Kuneho na sa kanya mapunta ang kahilingan. Nagkagulo ang lahat dahil dito kaya may kailangan ng isang hari. Ang hari ang makakatanggap ng kahilingan na nasa puso ng saging.
Naglaroon ng botohan kung sino ang gusto nilang maging hari ng kagubatan. Nauna si Aso at marami ang bumoto. Sumunod naman si Langgam na binoto ng mga insekto. Wagi na dapat si Langgam ngunit dumating si Tipaklong kasama ang libo-libong alagad na mga langaw. Naungusan niya si Langgam dahil sa dami mga langaw. Hindi din nagpatalo si Kuneho at binili ang boto ng mga langaw at ni Aso. Namigay siya ng dumi para sa langaw at suka para kay Aso.
At dahil mukhang hindi matapos-tapos ang botohan, nagkasundo sila sa isang paligsahan kung saan nanalo si Langgam na agad na tinanghal na hari ng gubat. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, si Langgam ay naapakan at ito ay agad na namatay. Hindi malaman kung ang nangyari ay bunsod ng maruming pulitika o isang aksidente.
Hindi nagtagal pumunta na sina Aso, Pagong, Kuneho at Tong sa puno ng puso ng saging. Iniisip nila kung paano makukuha ang puso ng saging. Nagsimula sila sa pagkuha sa puso ng saging pero laging nauudlot dahil lahat sila ay gustong makamit ito. Nakuha na nila ang puso ng saging ngunit dumating sina Buwaya at Leon kasama ang kapatid ni Tong. Ang kanyang kapatid na may galit sa kanya. Ito rin ang kanyang kapatid na pinagsamantalahan and kanyang kasintahan na lubos niyang ikinalungkot.
Dali-daling humiling si Kuneho na maayos at mailigtas ang lahat ng hayop ngunit naagaw ito ni Aso at humiling ito ng suka. At dahil sa gulo ay nandilim ang kayang paninging.
Pagmulat niya ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa pampang ng isang tabing-dagat. Natagpuan niya si Ulang. Lumapit siya dito at ginising niya ito pero hindi ito kumikibo. Doon niya nahinuha na si Ulang ay namatay dahil sa hindi paggalaw at kawalang ng gawa. Siya ay nabilad sa araw at di nakayanan ang init nito.
Sa pagdadalamhati niya, siya ay nagisip-isip sa lahat kanyang mga nagawa at napag-desisyunan na magpatuloy sa paglalakbay. Sa kanyang paglalakad ay may nagtapon sa kanya ng saging at ito ay mula kay Matsing. Tinanong siya nito kung ano ang kailangan niya. Sinabi ni Tong na naghahanap siya ng puso ng saging. Si Matsing ay dali-daling tumulong sa kanya. Ibinigay niya ang puso ng saging kay Tong kasabay ang katotohanan na wala naman palang karamdaman ang kanyang ama. Ginagawa niya ito upang mapagtakpan ang kanyang mga kamalian na nagawa.
Ang puso ng saging ay magpapamanhid sa mga nararamdaman ng kanyang Amang Hari. Napag-isip-isip ni Matsing na dapat pala ay di siya basta naniwala kahit kanino. Hindi siya dapat magpagamit sa iba at matutong manindigan.
Namulat si Tong sa mga pangaral ni Matsing at ninais niyang ipaglaban ang karapatan ng mga hayop sa gubat. Hindi siya natakot kahit anuman ang mangyari dahil ang mahalaga sa kanya ay maipaglaban niya ang kaniyang pinaniniwalaan.
READ ALSO:
- Rogelio Ordonez Biography – Life Story Of Multi-Awarded Author “Ka Roger”
- Halimbawa Ng Malikhaing Pagsulat – Halimbawa, Layunin, at Mga Uri
What can you say about this? Let us know!
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.