Pat Villafuerte Famous Works – Some Works Of Multi-Awarded Author

Here are some of the works of Pat Villafuerte. Check it out below!

PAT VILLAFUERTE FAMOUS WORKS – These are just some of the famous works of award-winning writer and teacher Pat Villafuerte.

As a writer and teacher, Pat Villafuerte has achieved so much. He was the first recipient of Genoveva Edroza Matute Professorial Chair in Filipino, got two Presidential awards from Malacanang, two Teacher of the Year Awards, has 8 Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, 10 awards from Gawad Surian Gantimpalang Collantes, and was awarded by PNU Alumni Association, Komisyon ng Wikang Filipino, Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL), and Ninoy Aquino Foundation.

Pat Villafuerte Famous Works

See a couple of his poems below:

KALAYAAN

sa balintawak ang gumising ay isang sigaw 
bumalik ang sagot na tila alingawngaw 
KALAYAAN 
at sa bawat lugar ay mauulinig 
ang dala ng hanging may saliw na awit 
KALAYAAN 
narinig namin doon sa taniman 
narinig namain sa mangangalakal 
narinig namin hanggang doon sa karagatan 
KALAYAAN 
bawat makata awit ang nalilikha 
at ang mga titik apoy ang ibinabadya 
KALAYAAN 
narinig namin sa manggagawa ng niyugan 
narinig namin sa mangingisda ng karagatan 
naring namin sa manininda ng pondohan 
KALAYAAN 
lahat ng Tao iisa ang sigaw 
kahit ang kapalit ay kanilang buhay 
KALAYAAN 
sa puntod ng alipin at punong mga angkan 
iisa rin ang tinig na itinitighaw 
KALAYAAN 
sa ituktok ng bundok hanggang sa kapatagan 
palakas ng palakas palakas ng palakas ang mapapakinggan 
KALAYAAN
Narinig naming sa magwawalis na dukha
Narinig naming sa mgahahabing maralita
Narinig naming sa panday nsa yaman ay wala
KALAYAAN
Mula sa Templo,Mula sa Pook dalangina
Ang Kris at Gulok nagtagis parang kidlat
Kasabay ang sigaw na ang Hudyat
KALAYAAN
Narinig namin sa mga hikbi,hinagpis at panaghoy
Narinig naming sa Pulong di matalunton
Narinig naming hanggang sa Dakong Paroroon
KALAYAAN

ANG TULDOK SA BUHAY

Noong kayo’y musmos,
Napaniwala kayo ng eskuwelahan
Na sining ang pagguhit
Habang nakikipagbuno
ang lapis at krayola,
pag-uwi ng bahay,
luha’t uhog ang naging sukli
ng pudpod na lapis
ng baling krayola
ng lukot na papel
ng nawalang pambura.
Ni walang nakapagsabing sining din pala
Ang magkasunod na pagdapa’t pagpalo
Ang magkasabay na pagsigaw at pag-iyak
Sa pagitan ng maraming paalala’t pananakot.
sa eskuwelahan din natuklasang
Ang paggawa ng tuldok ay isa ring sining –
Tuldok para makaguhit
Tuldok para makabilog
Tuldok para makabuo ng sama-samang tuldok.
Ni hindi naisip.
Na sa pagitan ng mga tuldok,
Naroon ang teatro ng poot
Ang mascara ng pagluha
Ang telon ng paglimot.

Some of his short stories:

  • Mabuti at Masama
  • Yawyawen: Munting Lam- ang
  • Nang Maglihi Ang Misis Ko
  • May Sumbat Ang Enero
  • Ang Guro, Ang Pulis, At Ang Manggagamot

His literary works:

  • Pag-unlad Sa Pagbasa: Ikaapat Na Baitang
  • Pagpapahalaga Sa Panitikan (Sining Pantanghalan) 
  • Balagtasan Para Sa Elementarya Sekondarya at Tersyarya 
  • Introduksyon Pa Pagsasaling-Wika: Teorya, Mga Halimbawa at Pagsasanay
  • Pamana Ng Lahi

READ ALSO:

What can you say about this? Let us know!

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment