Sampung Utos Ng Diyos – Ito Ang Sampung Utos Ng Diyos

Ano ang sampung utos ng Diyos? Alamin!

SAMPUNG UTOS NG DIYOS – Ano ang sampung utos ng Diyos at ano ang mga kadahalinan kung bakit mahalaga ang pagsunod ng mga ito?

Marami tayo ang may paniniwala na ang mundo at lahat ng nakapaloob dito gawa ng Panginoon – ang Alpha at ang Omega. Sa kanya nagsimula ang lahat at alam natin na nasa kanya rin ang magiging katapusan. Sa Bibliya, sa pamamagitan ni Moises, tayo ay nagkaroon ng sampung utos kung saan ito ang ating magiging gabay para maging mabuting tao.

Sampung Utos Ng Diyos

Nakasulat ang sampung utos sa mga aklat ng banal na kasulatan tulad ng Exodo 20:1–17, Mateo 19:18–19, Mga Taga Roma 13:9, Mosias 12:33–36 at 13:13–24, at Doktrina at mga Tipan 42:18–29, 59:5–13, at 63:61–62. Kasabay ng pagbigay ng sampung utos ay ang pangako ng Diyos na tayo ay kanyang pagpapalain kung tayo ay susunod.

Tingnan ang sampung kautusan:

“Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko” 

“Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan”

“Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan”

“Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin”

“Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina”

“Huwag kang papatay”

“Huwag kang mangangalunya”

“Huwag kang magnanakaw”

“Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa”

“Huwag kang mag-iimbot”

Mula noon at ngayon, ang mga kautusang ito ay mahalaga. Bukod sa ito ang iyong magiging gabay, hindi maliligaw ang iyong landas, hindi ka mapapalayo sa Kanya, para sa pag-unlad, at para sa kaligtasan ng iyong buhay. Kung wala ang mga ito, lalaganap ang kasamaan at wala tayong magiging kamalayan sa kaibahan ng kabutihan at kasamaan, ng tama at mali, at konsepto ng sentido kumon at mga patakaran.

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment