Ano ang Pang-abay na Kondisyonal at magbigay ng halimbawa.
PANG-ABAY NA KONDISYONAL HALIMBAWA – Ang kahulugan ng pang-abay na Kondisyonal at kung paano ito gamitin sa isang pangungusap.
Ang pang-abay o ang adverb sa Ingles ay ang mga salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay. Ang iba’t ibang uri nito ay nagpapahayag ng paraan, lugar, oras, dalas, antas, antas ng katiyakan, at iba pa. Sumasagot din nito ang mga katanungang paano, sa anong paraan, kailan, saan, at hanggang saan.
Mga iba’t ibang uri ng pang-abay:
- pamanahon
- panlunan
- pamaraan
- pang-agam
- ingklitik
- benepaktibo
- kusatibo
- kondisyonal
- pamitagan
- panulad
- pananggi
- panggaano
- panang-ayon
- panturing
- pananong
- panunuran
- pangkaukulan
At sa sulating ito, tatalakayin natin ang pang-abay na kondisyonal. Ang uri ng pang-abay na ito ay naghahayag ng kondisyon dahilan kung ang isang kilos o pangyayari ay nangyayari. Nagsasaad ito ng kondisyon para maganap ang kilos na sinasabi ng pandiwa. Ang mga salitang ito ay kung, kapag o pag, at pagka.
Mga halimbawa sa pangungusap:
- Kung umayos ka lang ng pagkakahiga, hindi ka sana mahuhulog sa kama.
- Kapag ako ay naging mayaman, bibilhin ko ang lahat ng gusto ni Nanay.
- Pag hindi ka pa tapos sa hugasin, hindi ka muna makakapaglaro.
- Kung pwede lang sanang mangibang-bansa ngayon pandemya ay ginawa ko na.
- Kung ako na lang sana ang iyong minahal, hindi ka na muling mag-iisa.
- Hindi ko kailangang umutang ng pera kung may trabaho lang sana ako.
- Huwag kang matutulog kapag hindi mo pa natatapos iyong mga takdang-aralin.
- Pagka nawala ang oras, hindi mo na ito mabawi.
- Pagka nawala mo itong libro, hindi ka na ulit makakahiram pa.
- Pagka nawala ang tiwala, hindi mo na masasabi na mahal mo pa ang isang tao.
BASAHIN:
- Ano Ang Pang-Ugnay At Mga Halimbawa Nito Sa Pangungusap
- Elemento Ng Sanaysay – Anu-ano Ang Mga Elemento Ng Isang Sanaysay?
For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.