Pangkat Etniko Sa Pilipinas – Anu-ano ang mga Pangkat Etniko Sa Pilipinas?

Ang mga pangkat etniko sa Pilipinas na nagpapakita kung gaano kayaman sa kultura ang ating bansa.

PANGKAT ETNIKO SA PILIPINAS – Pagtalakay ng iba’t-ibang pangkat etniko sa Luzon, Visayas, at Mindanao na dapat mong alamin.

Ang Pilipinas ay may mayaman na kultura at bahagi nito na nagpapatunay kung gaano ito kayaman ay ang ating mga pangkat etniko. Ang yamang tao ng bansa ay iba’t ibang kinabibilangan at ang bwat pangkat ay may tawag. Ang pangkat na may pinakamaraming tao ay ang ay mga Ilokano, mga Pangasinense, mga Tagalog, mga Kapampangan, mga Bikolano, at mga Bisaya. 

Pangkat Etniko Sa Pilipinas

Ito ang ilan sa mga pangkat etniko na nagmula sa Luzon, Visayas, at Mindanao:

LUZON:

  1. Tagalog
  2. Ilokano
  3. Kapampangan
  4. Bikolano
  5. Aeta
  6. Igorot
  7. Ivatan
  8. Mangyan

VISAYAS:

  1. Cebuano
  2. Waray
  3. Ilonggo
  4. Ati
  5. Suludnon

MINDANAO:

  1. Badjao
  2. Yakan
  3. B’laan
  4. Maranao
  5. T’boli
  6. Tausug
  7. Bagobo

Ang mga pangkat na ito ay mga hindi matangging pagkakatulad sa kani-kanilang kultura, lengguwahe, tradisyon, at paniniwala. Subalit ang mga Ilokano, Pangasinense, Kapampangan, Bikolano, at Tagalog ang ilan sa mga pangunahing pangkat etniko sa bansa.

Mayroon din na mga hindi katutubong pangkat etniko tulad ng:

  • Tsino
  • Kastila
  • Amerikano
  • Arabo
  • Indiyano
  • Koryano
  • Hudyo
  • Mehikano
  • Hapones

Karamihan sa kanila ay pagsasaka ang kabuhayan. Sila ay mahalaga sa atin dahil sila ang mga taong pinapanatili kanilang kultura at tradisyon at sila rin ang dahilan kung bakit tuloy-tuloy na nabubuhay ang mga kultura at mga kaugaliang bahagi ng kasaysayan. Sila ang kumakatawan ng bansa at sa kanila nakabatay kung anong klase ang mga mamayan ng bansa.

At isa sa mga pangunahing gawain nila ay ang pag-preserba ng mga sinauna pang tradisyon at kultura. Dapat natin silang ipagmalaki at pahalagahan. Namumuhay sila sa mga kabundukan at kanayunan kaya dapat na mayroong batas para sa kanilang proteksyon. Sila ay hindi iba sa atin.

BASAHIN:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.

Leave a Comment