Narito ang ibat-ibang uri ng sasakyang pandagat
SASAKYANG PANDAGAT – Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki, ating aalamin ang ibat-ibang uri ng sasakyang pandagat.
Isa sa mga pangunahing paraan ng transportasyon ay ang sasakyang pandagat. Hindi lamang ito ginagamit bilang sasakyan ng mga tao, bagkus ito rin ay nagsisilbi rin bilang tagahatid ng mga kalakal at produkto sa loob at labas ng bansa.
Bagaman pag sinabing sasakyang pandagat ay barko o bangka ang unang sumasagi sa ating isipan, hindi mo ba alam na may ibat-bang klase ito?
Ating talakayin ang ibat-ibang sasakyang pandagat.
- Kayak – Ito ay sang maliit at makitid na sasakyang pantubig na karaniwang itinutulak sa pamamagitan ng double-bladed paddle.
- Scull – Isang bangka na idinisenyo para sa isang tao na itinutulak gamit ang dalawang sagwan, isa sa bawat kamay.
- Tugboat- Isang marine vessel na nagmamaniobra ng iba pang mga sasakyang-dagat sa pamamagitan ng pagtulak o paghila sa kanila.
- Boat – Ang bangka ay isang sasakyang pantubig na mas maliit kaysa sa isang barko.
- Narrowboat – Isang partikular na uri ng canal boat, na ginawa upang magkasya sa makitid na daanan ng tubig.
- Raft o balsa
- Ice Sailing – Ginagamit para sa paglalakbay sa ibabaw ng yelo.
- Amphibious Vehicle – Sasakyang pandagat na pwedeng gamitin sa lupa at tubig.
- Canoe – Halos kapareha ng isang bangka ngunit may kalakihan ito at kadalasang ginagamit sa pamimingwit.
- Ocean Liner – Isang pampasaherong barko na pangunahing ginagamit bilang isang paraan ng transportasyon sa mga dagat o karagatan.
- Submarine – Sasakyang pantubig na may kakayahang mag-operate sa ilalim ng tubig.
- Lifeboat – Maliit na sasakyang pandagat na nakasampa sa isang barko na magagamit sa oras ng pagtakas.
- Pedal Boat- Isang sasakyang pantubig na pinapatakbo ng tao na gumagamit ng mga pedal upang paikutin ang isang paddle wheel.
- Banana Boat- Isang bangkang panglibangan
- Yacht- Isang sailing o power vessel na ginagamit para sa kasiyahan, cruising, o karera
- Cargo Ship- Isang merchant ship na nagdadala ng mga kargamento, kalakal, at materyales mula sa isang daungan patungo sa kanyang destinasyon.
- Life Raft – Ang mga liferafts sa pangkalahatan ay maaaring i-collaps, at iniimbak sa isang heavy-duty na fiberglass canister.
- Umiak – isang uri ng open skin boat.
BASAHIN:
Para sa karagdang kaalaman, wag kalimutang i-follow ang PhilNews.ph sa Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.