Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kabihasnan Klasiko At Tradisyunal?”
KABIHASNAN KLASIKO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kabihasnan klasiko at tradisyunal at kung paano natin to mailalarawan.
Ang kabihasnan klasiko ay kilala bilang Kabihasnang Klasiko ng Roma. Sabi ng mga sinaunang alamat, ang Roma ay naitatag noon 753 BC ng mga magkakapatid na si Romulus at Remus.

Ang kabihasnang klasiko at tradisyunal ng mailalarawan bilang makabago at makalumang pamamaraan ng pamumuhay.
Bukod dito, ang sinaunang Roma ay isa ring sinaunang kabihasnan na makikita sa Europa at umiral sa Italyanong Peninsula. Pero, ang maliit na agrikultural na lungsod na ito ay lumawak dahil sa ambisyon ng kanyang mamumuno.
Dahil dito, isa ito sa mga naging pinakamalakas na imperyo sa sinaunang panahon sa Dagat Mediterano. At, sa mga siglo ng pag-iral, ang Romanong Kabihasnan ay naging kaharian. Ito rin ay naging oligarkiyang republika.
Pero, katulad lamang ng ibang mga Imperyo, bumagsak rin ang Roma noong 476 AD dahil sa mga barbaro. Samantala, ang Silangang Imperyo naman ng mga Romano ay nagtagal pa hanggang 1453 AD. Bumagsak din ito sa mga turkong Ottoman.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Do You See The Patterns In The Distribution Of The Electrons? (Answer)