Ano Nga Ba Ang Kahalagahan Ng Merkantilismo? (Sagot)
MERKANTILISMO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan ng merkantilismo at ang mga halimbawa nito.
Una sa lahat, atin munang alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng Merkantilismo. Ayon sa nakalipas nating artikulo, ang merkantilismo ay namayaning kaisipang pang-ekonomiya.
Ibig sabihin, ang merkantilismo ay naging gabay para sa mga patakaran ng iba’t-ibang bansa sa buong mundo sa sinaunang panahon. Pero, bakit nga ba ito mahalaga?
Ang layunin ng merkantilismo ay ang magkaroon ng balanse pagdating sa pangangalakal ng ginto at bilak sa mga bansa. Mahalaga ang aspetong ito dahil ang merkantilismo ang tawag sa konsepto ng ekonomiks na ginagawang basehan ng yaman ng mga bansa.
Nabibigyan ng mas madaling proseso ng pangangalakal ang isang bansa dahil sa sistemang merkantilismo. Dahil dito, naging madali rin ang pananakop ng mga makapangyarihang bansa.
Ang ilan lamang sa mga bansa sa Europa na sumunod sa merkantilismo ay ang Portugal, Great Britain, the Netherlands, Russia, at Spain. Kalaunan ay bumagsak din ito dahil pinabulaanan ito ng iilang mga ekonomista.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Anyong Lupa Na Matatagpuan Sa Kanlurang Asya – Halimbawa