Ano Ang Mga Dahilan Ng Pananakop Sa Pilipinas? (Sagot)
PANANAKOP – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga dahilan ng pananakop sa Pilipinas at ang mga halimbawa nito.
Ang pananakop ng Pilipinas ay bahagi ng isang dayuhang ekspedisyon na naglalayong sugpuin at magkaroon ng sari-saring kayamanan. Kabilang dito ang Pilipinas na naging alipin at nasasakupan ng mga bansa katulad ng Espanya, Japan, at Estados Unidos.
Ang isa pang dahilan ng pananakop ay upang ipakita sa buong mundo ang kapangyarihan ng isang bansa sa iba pang mga makapangyarihang nasyon. Dahil mayroon silang mga modernong kagamitan sa pagsaliksik at pananakop, para sa kanila ay sila mismo ay may mga karapatan na kontrolin ang buong mundo.
Bukod dito, ang dahilan ay upang ikalat din ang kanilang idolohiya at kanilang paniniwala upang ang pilipinas ay sa huli ay maging kanilang tapat na alyansa. Isang malaking halimbawa nito ay ang pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas upang maturuan ito ng Kristiyanismo.
Ayon sa ibang iskolar, ang pananakop ng Espanyol sa Pilipinas ay upang magturo ng Kristiyanismo. Pero, ang unang dahilan ng pagpunta dito ng taga Espanya ay dahil sa mga nakita nitong yaman katulad ng mga pampalasa, at iba pang yamang dagat at lupa.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ginagampanan Ng Pamilihang Pinansyal – Halimbawa At Kahulugan