Bakit Kailangan Maging Makatarungan? (Sagot)
PAGIGING MAKATARUNGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba kailangan nating maging makatarungan at ang mga halimbawa nito.
Bilang mga miyembro ng isang lipunan o komunidad, may mga responsibilidad tayo hindi lamang sa ating sarili kundi pati na rin sa ating mga kapwa. Dito na pumapasok ang pagiging makatarungan natin.
Ang pagiging makatarungan ay naka konekta sa ating konsensya. Ito’y nagsasabi kung ang ating mga kilos o gawain ay nakakaapekto sa iba sa positibo o negatibong aspeto. Pero bakit nga ba ito kailangan?
Una, ang mga salita ng Diyos ay nagsasaad na dapat mong mahalin ang iyong kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Pangalawa, mabuti at karapat-dapat ito. Hindi namin kailangang humingi ng dahilan upang maging makatarungan o pag-isipan ito.
Para sa isang tao, dapat itong maging natural at pangatlo, tayo’y nilikha lahat ng iisang Diyos. Kaya dapat natural na ito para sa lahat ng tao. Hindi na kailangan pa maghanap ng dahilan. Kung alam mong mabuti, gawin mo. Hindi na kailangan ipaliwanag kung bakit kailangan mong gumawa ng mabuti. Sa katunayan, ito’y likas na sa isang tao.
Heto ang mga halimbawa kung paano ito gagawin:
Maging patas muna sa iba. Palaging isantabi ang iyong sarili, isipin ang iba at maging matuwid. Huwag natin palaging hanapin ang komportable para lamang sa ating sarili. Dapat rin nating isaisip kung ano man ang tama, dito dapat tayo laging tatabi.
Huwag manuhuli o manahimik kapag nakita ang katiwalian. Tulungan ang iyong kapwa na makuha ang katotohanan. Itigil ang pagpapatawad ng mga maling pagkakamali.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Tunggaliang Tao Vs Tao – Halimbawa At Kahulugan Nito