Halimbawa Ng Talumpating Papuri At Kahulugan Nito

Ano Ang Mga Halimbawa Ng Talumpating Papuri? (Sagot)

TALUMPATING PAPURI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng talumpating papuri at ang mga halimbawa nito.

Ang layunin ng talumpating ito ay ang magbigay ng parangal sa isang tao dahil sa kanyang nagawa. Kadalasan ito’y ginagawa upang bigyag halaga ang isang tao sa kabutihang nagawa nito para sa iba.

Halimbawa Ng Talumpating Papuri At Kahulugan Nito

Heto ang mga halimbawa ng okasyon kung saan ginagamit ang talumpati na papuri:

  • Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan
  • Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
  • Pamamaalam sa isang yumao
  • Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo

Heto naman ang halimbawa ng isang buong talumpati galing sa Brainly:

Papuri sa mga Bagong Bayani

Taong 2020, isang taon na puno ng malaking pagbabago at pagsubok. Ang lahat ay kinakailangan magbago at makibagay sa kasalukuyang panahon.

Bagama’t ang lahat ay nakakaranas nito, nais ko lamang bigyan ng kapurihan ang mga opisyal na namumuno sa bansa na patuloy na lumalaban upang maging maayos ang kinakaharap ng ating bansa.

Gayundin ang mga mamamayang kabilang sa frontliner na patuloy na hinaharap ang panganib magampanan lamang ang kanilang mga tungkulin.

Isa lamang sa mga maituturing na nararapat bigyan ng kapurihan ang mga tauhan sa larangan ng medikal, sila ang personal na humaharap sa mga pasyente upang mailigtas lamang ang mga buhay nito kahit alam nilang maaaring malagay sa panganib ang sarili nilang buhay. Sila ang mga itinuturing na bagong bayani ng kasalukuyang panahon.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Kaisipan Kaugnay Ng Tahanan Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment