Ano Ang Kahalagahan Ng Retorika? (Sagot)
RETORIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan ng retorika at ang mga halimbawa nito.
Ang retorika ay isa sa mga pinakamahalagang kaalaman ng pagpapahayag. Dahil sa retorika ating malalaman kung maganda o kaakit-akit ang pagsusulat at pagsasalita.
Ito rin ay matatawag bilang pagaaral o kahusayan ng isang tao sa pagpili ng mga salitang ginagamit sa kanyang pagsulat o pagsasalita.
Ang salitang “rhetor” ay galing sa salitang Griyego na ang ibig-sabihin ay “guro” o mahusay na mananlumpati. Heto ang mga halimbawa ng kahalagahan ng retorika sa pang araw-araw na pakikipagsalamuha ng tao.
- Ito ay ating magagamit natin sa ating pakikisalamuha, at pakikipagtalasan at sa ating pakikibaka sa ating buhay.
- Ginagamit ang retorika upang maayos at malikhain na maipahayag ang saloobin natin.
- Naipararating ng guro o tagapagsalita ang kanyang gustong ituro ng maayos at madaling maintindihan.
- Ito ang nagbibigay daan upang maayos at mabisang malaman ang mga bagay na dapat matutunan ng isang mag-aaral na siyang magamit sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa kamag-aral.
- Napakahalaga ng retorika sa bawat isa sa mundong ating ginagalawan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Opinyon Tungkol Sa Online Class/Modular Learning