Magagalang Na Pananalita Halimbawa At Kahulugan Nito

Ano Ang Mga Halimbawa Ng Magagalang Na Pananalita? (Sagot)

MAGAGALANG NA PANANALITA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng magandang pananalita at ang gamit nito.

Sa panahong ito na puno na ng teknolohiya, minsan nakakalimutan na natin ang pagiging magalang. Pero, bilang mga mabuting Pilipino, dapat nating i respeto ang ibang tao, lalo na ang mga nakakatanda sa atin. Kaya naman, dapat nating malaman ang mga magagalang na pananalita na maaaring gamitin.

Magagalang Na Pananalita Halimbawa At Kahulugan Nito

Ang mga pagbati katuland ng “Magandang umaga po” ay isa sa mga halimbaw ang magalang na pananalita. Ito’y dahil sa pag gamit ng po at opo na nagsisimbolo ng paggalang.

Heto po ang ibang halimbawa:

  • Mano po
  • Tao po
  • Bata po

Kapag ikaw ay dadaan sa isang masikip na lugar at may sumasagabal, ating dapat gamitin ang “Makikiraan po”. Ito ay nagpapakita ng respeto mo sa iba. Pero, kapag ginamit mo ang “alis kayo sa daan! Tumabi kayo!”, ito ay nagpapakita lamang ng pagkabastos sa kapwa at hindi dapat tularan.

Bukod dito, ang pagsasalamat sa mga taong tumulong sa yo kahit sa maliit na paraan ay isa rin sa nagpapakita ng magagalang na salita. Isang halimbawa nito ay ang pagbili sa tiange. Pagkatapos iabot sa iyo ng tindero/tindera ang bilihin, walang mawawala sa iyo kapag ika’y nagpasalamat.

Sa katunayan, sa paraang ito, maipapakita mo pa na ika’y magalang at maaari mo pang napabuti ang araw ng taong iyon dahil sa iyong mabait na pagbati.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Pagkilala Sa Awiting Bayan – Ano Ang Kahalagahan Nito? (Sagot)

Leave a Comment