Ano Ang Kahulugan Ng Kasabihang “Madaling Maging Tao Mahirap Magpakatao”? (Sagot)
MADALING MAGING TAO – Madali nga ang pagiging tao, ngunit, mahirap ang magpakatao. May malaking pagkakaiba ang dalawang salitang ito at atin itong pag-aaralan.
Ang pagiging tao ay madali lamang dahil lahat ng ating mga kapwa, kaibigan, kamag-anak, kakilala, at kahit pa ang ating mga kalaban, ay mga tao. At, bilang tao, lahat tayo’y nagkakamali.
Ngunit mahirap magpakatao dahil minsan, hindi natin matatangkap o mapapatawad ang iba dahil sa kanilang pagkakamali. Ating tandaan na bilang isang tao, mahirap sumunod sa mga kabutihang asal.
![Madaling Maging Tao Mahirap Magpakatao Kahulugan At Paliwanag](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2020/11/image-183.png)
Bilang tao, tayo ay mayroong kalayaan na gumawa ng mga desisyon para sa ating sarili. Subalit, kailangan nating pag-isipan kung ang mga desisyon natin ay makakaapekto ba sa ibang tao. Dito natin masusukat kung marunong tayong magpakatao.
Ang pagpapakatao ay tumutukoy sa persona ng isang tao. Ito ang kanyang ugali at paninindigan at pananaw sa ibang tao. Kinakailangang matuto muna ang isang tao ng edukasyon sa wastong paguugali upang masabing hindi lamang siya isang tao kung hindi isang tao na marunong magpakatao.
Isa sa mga aspeto ng ating pagpapakatao ay ang ating moralidad at konsensya. Kung may taong nangangailangan, ano ang gagawin mo? Kung ikaw ay nagigipit at nahihirapan sa buhay, ano ang gagawin mo?
Ang mga tanong na ito ay mahalaga dahil nagpapakita ito ng iyong desisyon. Handa ka bang tumulong at magbigay ng simpatya sa iba? O kaya’y handa ka rin na apakan ang iba para ma tulungan lamang ang iyong sarili?
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagtulong Sa Kapwa – Bakit Mahalaga Ang Pagtulong Sa Kapwa?