Bakit Mahalaga Ang Pagtulong Sa Kapwa? (Sagot)
PAGTULONG SA KAPWA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit mahalaga ang pagbibigay ng tulong sa ating kapwa.
Sabi nga ng Bibliya, “Gawin sa iba ang gusto mong gawin sa iyo”. Ngunit, hindi ka dapat tumulong sa iyong kapwa para tulungan ka rin nila sa huli. Ang pagtutulong sa kapwa ay dapat galing sa ating mga puso. Bukod dito, dapat wala rin tayong hinahanap na kapalit.
Ito ay dahil ang pag bigay tulong sa kapwa ay isang bagay na lubos na nakabubuti sa ating komunidad at lipunan. Makikita rin natin na ang pagtulong sa kapwa ay nagbibigay inspirasyon sa iba na tumulong rin, lalo na sa mga nangangailangan.
Kapag tayo’y nagbibigay ng tulong sa ating kapwa, tayo ay nagiging modelo para sa kabutihan. Tayo rin ay nagiging mabuting ihemplo para sa mga kabataan.
Ang pagtutulong sa ating kapwa ay isa sa mga katangian ng mga Pilipino mula pa sa sinaunang panahon. Nagsimula ito sa “bayanihan” o ang pagtutulungan ng lahat ng tao sa komunidad sa isa’t-isa.
Ang mga katangiang ito ay naipasa sa atin ng ating mga ninuno. Kaya naman, kapag tayo’y tumutulong sating mga kapwa, binibigyan rin natin ng respeto at pagpapahalaga ang ating kultura at tradisyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Alamat Ng Makopa Buod At Gintong Aral Ng Kwento