Halimbawa Ng Impormal Na Sektor
IMPORMAL NA SEKTOR – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano ang mga halimbawa ng impormal na sektor at ang kahulugan nito.
Ang impormal na sektor ay ang tawag sa mga industriya na hindi nakarehistro sa gobyerno. Kabilang dito ang mga negosyante na walang mga opisyal na dokumento ng kanilang negosyo.
Makikita rin sa impormal na sektor ang mga maliliit na tiyange nakadalsan ay makikita sa loob ng mga barangay. Isa rin sa mga halimbawa ng impormal na sektor ay ang mga naglalako ng mga gamit sa bahay at mga personal na gamit ng walang pahintulot na ipatakbo ang negosyo.
Bukod dito, ang mga illegalista o illegal na ekonomiya ay halimbawa rin ng sektor na ito. Ating makikita dito ang mga kasama sa “buy and sell” na nagbebenta ng produktong galing sa ibang bansa na hindi dumaan sa customs ang papeles.
Kasama rin dito ang mga nagbebenta ng mga produkto na “back door” dahil hindi dumaan sa pagsusuri ng custom at hindi nalagyan ng tax.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Ano Ang Kontinente? – English To Tagalog Translations