Ano Nga Ba Ang Suliranin? (Sagot)
SULIRANIN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang isang suliranin at ang mga halimbawa nito.
Ang salitang suliranin ay maaari nating tawagin na mga pagsubok. Kasing kahulugan nito ang salitang problema. Sa ating buhay, marami tayong mga suliraning makikita at mararanasan.
Subalit, hindi dapat tayo sumusuko kapag naka hanap tayo ng suliranin. Ito ay dahil ang suliranin ay isa lamang hamon para sa atin na kailangan nating harapin.
Ang kahulugan ng suliranin ay isang bagay na dapat malutas o isang hindi kaaya-aya, hindi kasiya-siya o hindi kanais-nais na sitwasyon na kailangang maitama.
Heto ang mga halimbawa ayon sa Brainly:
- Ang equation sa Math na kailang maresolba.
- Kapag ikaw ay may suliraning pinansyal na kailangan maresolba kaya kailangan mong manghagilap ng pera.
- Kapag ang iyong kasintahan ay nagloko at kailangan mong magdesisyon kung papatawarin mo siya mo o hihiwalayan mo na lamang siya.
Halimbawa nito sa mga pangungusap:
- Hindi ko na alam ang aking gagawin! Sunod sunod na suliranin na lamang ang dumarating sa aking buhay.
- Isa sa mga suliranin ng ating bansa ang patuloy pagdami ng bilang ng EJK.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Elemento Ng Dokyu Film Kahulugan At Paliwanag Nito