Elemento Ng Dokyu Film Kahulugan At Paliwanag Nito

Ano Ang Mga Halimbawa Elemento Ng Dokyu Film

DOKYU FILM – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga elemento ng isang doku film at ang halimbawa nito.

Mayroong limang pangunahing elemento ang isang dokumentaryo. Ito ay ang sumusunod:

Elemento Ng Dokyu Film Kahulugan At Paliwanag Nito
  • Interbyu
    • Ang elementong ito ay isa sa mga sentro ng isang dokumentaryo. Dito natin makikita ang mga pananaw, opinion, at katayuan ng isang tao tungkol sa isang paksa o isyu.
  • “Live Action”
    • Dito, kinukunan ng mga taga gawa ng dokyu film ang totoong pangyayari na nagaganap.
  • Cutaways
    • Ang bahaging ito ay tinatawag na mga “standalone shots” o mga kuha na nagbibigay ng paglipat mula sa isang paksa o parte ng sine papunta sa isa.
  • Sinupan
    • Eto ang mga “archives” ng mga sinaunang mga video o imahe na maaaring gamitin para sa kasalukuyang dokyu film.
  • “Behind The Scenes”
    • Dito natin makikita ang proseso ng pagkuha ng dokyu film at mga pangyayari sa isang “set”.

Ang isang dokumentaryo o dokyu film ay isang likhang sineng na sumusubaybay sa totoong pangyayari sa buhay ng isang tao, isang kaganapan, o mga pangyayari na sumusunod sa mga maiinit na isyu.

Bilang isang dokyu film, may layunin ito na ibigay ang katotohanan sa mga manonood galing mismo sa mga taong nasa sentro ng sine. Walang mga script na sinusunod ang mga taong nasa dokyu film at natural lamang ang mga pangyayari.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN RIN: Katangian Ng Mitolohiya Halimbawa At Kahulugan Nito

4 thoughts on “Elemento Ng Dokyu Film Kahulugan At Paliwanag Nito”

Leave a Comment