Ano Ang Karaniwang Ayos ng Pangungusap & Mga Halimbawa Nito
KARANIWANG AYOS NG PANGUNGUSAP – Narito ang kahulugan at mga halimbawa ng ayos ng pangungusap na ito.
Maraming topiko na itinatalakay sa asignaturang Filipino at isa ito sa mga asignaturang itinuturo simula elementarya hanggang kolehiyo. Hindi maikakaila na marami sa mga topikong ito ay magkakarugtong kaya mahaga na maintindihang mabuti ang bawat bahagi.
Isa sa mga topiko ay ang ayos ng pangungusap. Mahalaga na alam mo kung ano ang simuno at ano ang panaguri upang mas mabilis na maintindihan ang ayos ng pangungusap at matukoy ito.
Ang simuno ay ang taga-gawa ng aksyon sa pangungusap samantalang ang panaguro naman ay ang pandiwa o ang aksyon sa pangungusap. Narito ang ilang mga halimbawa:
- Si Rex ay maagang umalis upang hindi siya mahuli sa kanyang unang klase.
- Simuno – Rex
- Panaguri – Umalis
- Kinuha ni Victor ang lahat ng mga yaman na iniwan ng ama niya at nagtayo siya ng negosyo.
- Simuno – Rex
- Panaguri – Kinuha
- Ang mga bata ay nag-aral nang mabuti dahil nais nilang pasayahin ang kanilang guro sa kanilang mga iskor sa pagsusulit.
- Simuno – Mga bata
- Panaguri – Nag-aral
Isa sa mga ayos ng pangungusap ay ang karaniwang ayos ng pangungusap. Ito ay ang ayos kung saan nauuna ang panaguri kaysa sa simuno. Madali itong masuri kung alam mo ang simuno at ang panaguri.
Mga Halimbawa nang Karaniwang Ayos ng Pangungusap:
- Kinuha ni Abel ang lahat ng mga prutas at ipinamigay ang mga ito sa mga kapitbahay niya.
- Panaguri – kinuha
- Simuno – Abel
- Iniba ni Joaquin ang plano nang malamang isinumbong ng kapatid niya ang gagawin nila ng mga kaibigan niya.
- Panaguri – iniba
- Simuno – Joaquin
- Nilangoy ni Ferdie ang magkabilang dulo upang mahanap ang nakababatang kapatid sa gitna ng malakas na ulan at baha.
- Panaguri – nilangoy
- Simuno – Ferdie
Thank you for visiting Philnews.ph. You may express your thoughts and reactions below through the comment section. You may also follow us on Facebook, on Twitter, and subscribe to our YouTube channel Philnews Ph.
Basahin rin: Maylapi Na Pangungusap Halimbawa At Kahulugan