Ibalon – Buod Ng Epikong Bikolano

Ibalon – Buod Ng Epikong Bikolano

IBALON – Sa paksang ito, ating alamin at babasahin ang buod ng isang epikong Bikolano na tinatawag na Ibalon.

Kilala rin bilang Handiong or Handyong, ito ay isang epikong Bikolano na base sa epikong Hindo na Ramayana at Mahabarta.

Ito ay isinalaysay sa anyong berso ng isang manunula na si Kadunung. Ang pangalang Ibalon ay ang dating pangalan ng Rehiyong Bikol.

Buod

Narito ang buong buod nito na mula sa TagalogLang:

May isang bantog na mandirigma mula sa Batavara na nangangalang si Baltog, Naparaan siya sa Bikol na kanyang ipinamahal dahil sa maganda nitong tanawin. Lumipas ng panahon at siya at naging hari ng Ibalondia na naging napamahal sa mga tao dahil sa kanyang pagiging maunawain, matapang at makatarungan.

Sumipot ang isang dambuhalang baboy-ramo sa gitna ng kasaganaan na pumuksa sa ani ng mamamayan at pumuti ng buhay ng maraming kawal. Si Baltog, na ikinatulad kay Beowulf, ay ay siyang pumatay sa higanteng baboy-ramo. Dahil dito, bumalik ang katahimikan sa Ibalondia.

Nang naging matanda na ang hari, sumipot naman sa Ibalondia ang mga higanteng kalabaw, mga pating na lumilipad at buwayang ganggabangka. Naparaan doon ang mandirigmang si Handiong at sumagip sa kahambal-hambal na katayuan ng kaharian. Pinagpapatay niya sa tulong ng kanyang mga kawal ang mga damulag.

Ngunit may isang kaaway na hindi mapasuko ng mandirigma na si Oriol na minsa’y ulupong at minsa’y nakabibighaning binibining nais manlinglang. Hindi nagtagumpay si Oriol laban kay Handiong dahil hindi niya ito madaya kaya kanyang tinulungan ito upang lipulin ang mga salimaw, ang mga malignong mapanligalig. Si Oriol ay naniniwala sa kasabihang “Kung hindi talunin, makiisa sa layunin.”

Dumating naman sa Ibalondia ang kilabot na si Rabot na kung kanyang maibigan, napagawa niyang maging bato ang mga tao. Sapagkat na si Handiong, ang humalili sa kanya na bagong tagapagligtas ay si Bantong.

Napatay ang dambuhala makapangyarihang espada ng bagong manunubos. Dahil dito, yumanig at umalon ang karagatan. Nang matapos ang malagim na sagupaan, namalas na may maliliit na pulo sa dagat sa kalapit ng Ibalondia.

Nagbago ng landas ang Ilog Inarinan. Ang bundok ng Bato ay lumubog at ito’y naging lawa. Namalas sa gitna ng mga sira-sirang paligid ang isang umuusok na bulkan. Iyan ang Bulkan ng Mayon ngayon.

BASAHIN DIN: “NANG” – Halimbawa ng mga Pangungusap na Gumagamit ng “Nang”

Leave a Comment