Ano Ang Pasalindilang Panitikan At Mga Halimbawa Nito? (Sagot)
PASALINDILANG PANITIKAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pasalindilang panitikan at mga halimbawa nito.
Ang mga pasalindilang panitikan ay naglalarawan sa mga gawang naipamana o nasalin mula sa dating henerasyon papunta sa bagong henerasyon. Kadalasan, ito ay naipapasa sa pamamagitan ng “oral tradition” o pasalitang tradisyon.
Bukod rito, halos hindi naisusulat kundi naipapasa lamang sa pamamagitan ng pagpakalat ng kwento sa ibang tao. Ang isa sa pinaka madaling halimbawa nito ay ang mga bugtong, tula, at mga maikling kwento.
Dahil dito, nagiging mahalagang parte ito ng ating kultura dahil napapanatili nito ang pagkakakilanlan ng isang lugar, komyunidad o bansa. Ilan rin sa mga pasalindilang panitikan ay matatawag rin na karunungang bayan.
Ang mga bugtong ay madaling na ipapasa dahil ginagawa rin itong laro sa mga sinaunang panahon bilang isang libangan. Samantala, ang mga tula naman ay madaling na ipapasa dahil sa ritmo at tugma nito na madaling kabisaduhin.
Isa rin sa mga halimbawa ng panitikang pasalindilang ay ang mga salawikain o mga aral na naipapasa mula henerasyon hanggang henerasyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN RIN: Proseso Ng Akademikong Pagsulat – Proseso At Halimbawa Nito