Ano Ang Mga Pagkakaiba Ni Prometheus At Epimetheus? (Sagot)
PROMETHEUS AT EPIMETHEUS – Sa paksang ito, ating alamin kung ano ang mga pagkakaiba ni Prometheus at Epimetheus.
Bukod sa pagiging magkapatid na mga Titan, wala nang pagkapareho sina Prometheus at Epimetheus. Si Prometheus ay napaka talino at tuso. Si Prometheus ay merong tinatawag na “foresight”. Samantala, si Epimetheus naman ay mayroong “afterthought”. Dahil dito, hindi niya mabibigyan ng positibong isip ang mga tao.
![Pagkakaiba ni Prometheus At Epimetheus (Sagot At Paliwanag )](https://philnews.ph/wp-content/uploads/2020/08/image-187.png)
Bukod rito, si Prometheus ay inilarawan na matapang at mapamaraan. Pero, ang kanyang kapatid na si Epimetheus ay inilarawan pilang isang tanga.
Ang isang halimbawa ng pagkakaiba sa abilidad ng dalawang magkakapatid ay makikita noong sila ay inutusang ipamahagi ang mga katangian sa mga bagong gawa na mga hayop.
Binigyan niya ang mga hayop ng mga positibong katangian, pero naubos niya kaagad ang lahat ng katangian para sa mga hayop at wala ng natira para sa mga tao.Kaya naman binigyan ni Prometheus ang mga tao ng apoy at kultura.
Si Epimetheus at Prometheus ay mga anak ni Iapetus at Clymene. Sila rin ay may dalawa pang kapatid na kilala bilang Atlas at Menoetius.
Ayon sa isang artikulo galing sa GreekMythology, si Epimetheus ay binigyan ng asawa na si Pandora. Sila ay ikinasal at nagkaroon ng anak na si Pyrrha.
BASAHIN RIN: What Is A Revolutionary Government? (PH Revolutionary Government)