Halimbawa Ng Sanaysay Tungkol Sa Tema Ng Buwan Ng Wika 2020
SANAYSAY BUWAN NG WIKA 2020 – Sa harap ng pandemya, ang bagong tema ng Buwan ng Wika 2020 ay tungkol sa pagkakaisa ng Wika laban sa sakit ng COVID-19.
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan kung saan ito ay hindi mauubusan ng gamit. Pwede itong maging pormal, personal, analitikal o siyentipiko.
Ito ay gumagamit ng pagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa para nito’y makapahayg ng katotohanan o mga eksperyensya ng tao. Pwede itong maikli o mahaba.
Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika” Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya
BASAHIN: Buwan Ng Wika 2020 Kahulugan – Paliwanag At Iba Pa
Heto ang halimbawa ng maikling Sanaysay. Tungkol naman sa tema ng Buwan ng Wika 2020:
Ang wika at pagpapakalat ng tamang impormasyon laban sa COVID-19 ay ating pangunahing sandata laban sa sakit. Hindi lamang tayo dapat hihintay ng bakuna. Para ma solusyunan ang krisis na ito, tayo’y dapat magkaisa.
Ang sakit na COVID-19 ay kumakalat sa lahat ng parte ng Pilipinas. Dahil dito, kailangan nating bigyan halaga ang mga katutubong wika. Sapagkat, ang mahalagang impormasyon ukol sa COVID-19 ay dapat makakarating sa lahat ng tao sa bansa.
Lagi nating tandaan na kung hindi tayo magka-isa at magpapakita ng Maka-Filipinong Bayanihan, mahihirapan tayong umahon galing sa pandemya.
BASAHIN RIN: Sanaysay Tungkol Sa Edukasyon: Halimbawa Ng Sanaysay