Heto Ang 10+ Na Mga Halimbawa Ng Tanaga Tungkol Sa Kaibigan
TANAGA TUNGKOL SA KAIBIGAN – Ang tanaga ay isang maikling tula na mula pa sa mga katutubong Pilipino. Kadalasan wikang Tagalog ang ginagamit para sumulat nito.
Heto na ang mga halimbawa ng mga tanagang tungkol sa kaibigan:

Ang aking kaibigan
Palaging nariyan
Maaasahan kapag kailangan
Handang sa katapusan
Kaibigan kong tunay
Narito sa panghabang buhay
Laging maaasahan
Kahit magpakailanman
Walang hihigit pa dito
pagmamahal ng aking “amigo”
Hindi niya ako pinapabayaan
Handang tumulong
Laging nariyan
Sa mundong walang tigil
Ika’y laging nakakagigil
Mahal kong kaibigan
Hinding hindi kita pababayaan
Sa hirap at ginhawa
Kaibigan ko’y laging nariyan
Sa panahong ako’y nakaka-awa
Handa lagi akong tulungan
Katuwang sa pangangailangan
Sa kahirapan siya’y nariyan
Taong masasandalan mo
Itong kaibigan kong totoo
Ika’y aking hihintayin
Hangga’t sa muli nating pagkita
Lagi kitang aalahanin
Ang kaibigan kong makata
Ilang taong puno ng ligaya
Iyon ay dahil sa iyo
Kaibigan kong malaya
Sana hindi ka magbabago
Para sa aking kaibigan,
Itong maiksing tula
Narito ako para sayo
Kahit iniwan ka ng iyong sinta
Ang katoto kapag tunay
Hindi ngiti ang pang-alay
Kundi isang pangako
Na hinding-hindi maglalaho
Magkapatid ang turingan
Palaging nagdadamayan
Magkaibang dugo man ang nananalaytay
Aming relasyon walang kapantay
BASAHIN RIN: Tula Tungkol Sa Pamilya – Mga Halimbawa Ng Tulang Pampamilya