Tula Tungkol Sa Pamilya – Mga Halimbawa Ng Tulang Pampamilya

Tula Tungkol Sa Pamilya – Mga Halimbawa Ng Tulang Pampamilya

TULA TUNGKOL SA PAMILYA – Sa paksang ito, babasahin natin ang mga iba’t ibang halimbawa ng mga tula tungkol sa pamilya.

TULA TUNGKOL SA PAMILYA
Image from: Culture Trip

Ang mga tula na ito ay para sa mga pamilya: mga tatay, nanay, kuya, ate, bunso, lolo, lolo, at lalo na mga kaibigan na tinuturi nating kapamilya.

Narito ang mga halimbawa nito, ayon sa, PinoyCollection:

Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,
Ang mga magulang ko ang aking taga gabay.
Sa mundong puno ng lungkot at problema,
Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.

Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo,
Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko.
Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi.
Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki.

Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga
Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kwenta.
Kapag may problema, laging nariyan para umalala
Dahil sa ako’y mahal at anak nila.

Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.
Ayos lang dahil sila nama’y mahal ko.
Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito
Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.

Salamat sa inyo, aking ama’t ina.
Sa walang sawa niyong pagsuporta.
Alay ko sa inyo ang matatanggap na medalya,
Kapalit ng inyong maayos na pag-aaruga.

Ang aking pamilya ni Julie Ann F. Rosario

Mula ng ako ay isilang
ako ay nagkaroon ng muwang
upang paglaki ko’y
makapagpasalamat sa aking magulang…

Sa aking AMA na siyang dahilan
kung bakit ako ay may pangalan
salamat sa iyo
ako ay naging tao…

Sa aking INA na siyang nagpalaki
upang pagtanda ko’y maipagmalaki
salamat sa’yo
nagkaroon ako ng magandang mundo…

Sa aking mga KAPATID na mahal ako
salamat sa inyo lumaki ako
binihisan ako para maging katulad nyo
at maipagmalaki pati ng ibang tao…

Hindi man ako perpekto
minsan may pusong bato
pero alam ko dito sa puso ko
walang makakapantay sa inyo…

Ipinagmamalaki ko kayo
dahil ako’y minahal nyo
ng walang kapalit kahit ano
kahit pa madalas selfish ako…

Hindi nyo ako iniwan
sa ano man laban
kasama ko kayo
matalo manalo man ako…

Kung lumaki man ako
sa paraang hindi nyo gusto
pasensya na kayo
dahil may sariling desisyon din ako…

Asahan nyong sa dulo ng buhay ko
ay mayroon ding pangarap ang katulad ko
nasaktan o nasugatan ko man ang puso nyo
patawad ang pagsamo ko…

Sa aking mga magulang at kapatid
asahan nyong ating pisi ay di mapapatid
dahil sila, kayo at ako ay magiging isa
para magbuklod at maging isang masayang pamilya…

Mahal ko kayo
gumuho man ang mundo
matuyo man ang dagat
kayo pa rin ang hahanapin ko…

Upang paglingkuran lahat kayo
ako ay magbabago
ng pagdating sa dulo
sama-sama pa rin tayo…

Isang Tula Para sa Aking Pamilya ni Marlyn Adame Autor

Paano ko nga ba makalilimutan
Ang napakainit na bisig ng aking mga magulang
Na siyang aking naging kanlungan
magmula ng ako ay isinilang

Tuwing ikinukwento ng aking mahal na ina
Ang mga panahon na ako ay kanyang inaaruga
Pawang ngiti lamang ang nakikita sa labi niya
At maging sa kanyang mga mata

Akin ding inaaalala kung paano ako alagaan ni ama.
Na walang kasing higpit at bibihirang tumawa
Tuwing ako’y umiiyak dahil sa mga kalaro
Nandoon siya upang akoy’ patawanin gamit ang kanyang mga biro.

Ngayon ako’y malaki na at ang aking magulang ay matatanda na,
Ako naman ang magsisilbing kanlungan nila.
Dahan-dahang susuklian ang mga kabutihan,
At di magsasawang sila ay pagsilbihan.

Kanlungan

READ ALSO – Ang Pagbabalik – Ang Tula Na Isinulat Ni Jose Corazon De Jesus

Leave a Comment