Ano Ang Mga Halimbawa Ng Kaugaliang Panrelihiyon? (Sagot)
KAUGALIANG PANRELIHIYON – Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may malakas na paniniwala sa Diyos.
Dahil rito, may malalim na kultura na naka-angat sa mga turo ng simbahan. Sa paksang ito, tatalakayin natin ang iba’t-ibang mga halimbawa nito.
Sapagkat maraming relihiyon na laganap sa Pilipinas, ang pinaka pa rin ay ang Katoliko. Dahil ito sa pananakop ng mga Kastila ng malapit sa 300 na taon.
Isa sa mga kaugalian na nakuha natin ay ang pagsisimba tuwing linggo. Isa na rin rito ay ang pagrorosaryo tuwing alas sais ng gabi. Mayroon rin tayong mga piyesta na nagdiriwang sa mga Santo.
Bukod rito, ang pagdadasal ay isa sa pinaka mahalagang kaugaliang panrelihiyon na ating nakuha. Bago kumain, matulog, maglakad, tayo ay nagdarasal para pasalamatin ang mahal na panginoon.
Ang pag respeto rin sa mas nakakatanda ay nakuha rin natin sa simbahan. Ang pag mano po ay isa rin sa mga kaugalian na ating na kuha. Sa Ingles, ito ay tinatawag na “bless”. Kadalasan maririnig mo ang nanay mo na nagsasabing “mag bless ka kay lolo”.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: What Is BALINTATAW? – Filipino Culture & Language