Kabanata 49 Noli Me Tangere – “Ang Tinig Ng Mga Pinag-uusig” (BUOD)
KABANATA 49 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 49 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaapat na pu’t walong kabanata.
Ang Kabanata 49 ay may titulo na “Ang Tinig Ng Mga Pinag-uusig” na sa bersyong Ingles ay “The Voice of the Hunted”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Humingi ng paumanhin si Elias kay Ibarra dahil batid nitong nagambala niya ang binata. Sinabi ng piloto ang pakay niya.
Si Ibarra raw ang sugo ng sawimpalad. Napagkasunduan daw ng puno ng mga tulisan na hilingin sa kanya ang ilang bagay gaya ng pagbabago sa pamahalaan, pagbibigay ng katarungan, pagbawas sa kapangyarihan ng mga guwardiya sibil, at pagkilala sa dignidad ng mga tao.
Sabi ng binata na maaring gamitin niya ang kayamanan at impluwensiya niya mula sa mga kaibigan sa Madrid pero batid nitong hindi ito sasapat para sa pagbabagong hinihingi.
Sabi rin niya na kung minsan ay nakasasama ang pagbawas sa kapangyarihan ng tao. Dapat ring gamutin ang mismong sakit at hindi laman ang mga sintomas.
Saglit silang nagtalo. Gayunman, hindi nakumbinsi ni Elias si Ibarra at sasabihin na lamang niya sa mga sawimpalad na umasa na lang sa Diyos.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 48 – Ang Talinghaga
Kabanata 50 – Ang Mga Kaanak Ni Elias