Kabanata 48 Noli Me Tangere – “Ang Talinghaga” (BUOD)

Kabanata 48 Noli Me Tangere – “Ang Talinghaga” (BUOD)

KABANATA 48 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 48 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 48 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaapat na pu’t walong kabanata.

Ang Kabanata 48 ay may titulo na “Ang Talinghaga” na sa bersyong Ingles ay “The Parable”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Dumalaw sa bahay ni Kapitan Tiago si Ibarra upang dalawin si Maria.Ibinalita niya rin dito ang pagkakatanggal niya bilang eksokuminikado. Gayunpaman, napalitan ang saya ni Ibarra nang makita niya sina Maria at Linares na nag-aayos ng mga bulaklak na masaya.

Nagulat si Linares habang namutla si Maria. Nais sanang tumayo ng dalaga para pumunta kay Ibarra ngunit hindi pa siya lubusang magaling. Nakipagkuwentuhan naman siya kay Maria ngunit umalis din agad.

Magulo ang isip ni Ibarra dahil sa nakita. Napadaan siya sa ipinatatayong paaralan. Nakita niya si Nol Juan at ibinalita rito na tanggap na siyang muli ng simbahan.

Nakit siya ni Elias na abala sa paghahakot ng bato at kariton. Ipinag-utos ni Ibarra kay Nol Juan na kunin ang mga talaan ng obrero.

Inaya ng piloto si Ibarra na mamangka para doon pag-usapan ang isang mahalagang bagay. Pumayag siya at naiabot naman ni Nol Juan ang talaan. Nakita niyang wala roon si Elias.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 47 – Ang Dalawang Senyora
Kabanata 49 – Ang Tinig Ng Mga Pinag-uusig

Leave a Comment