Matiwasay Na Lipunan Tula: +5 Na Mga Halimbawa

Halimbawa Ng Tula Ukol Sa Matiwasay Na Lipunan

MATIWASAY NA LIPUNAN – Sa paksang ito, titignan natin ang iba’t-ibang halimbawa ng tula ukol sa isang lipunang matiwasay.

Kapayapaan , kaunlaran at katiwasayan
Iilan lamang sa pangarap kong lipunan
Sana ay maghari ang pagkakaintindihan
Ng mga mamamayan sa ating lipunan

Matagal kong hangad ay kaunlaran
Na tunay na makakamit lamang kapag may katiwasayan
Sa sarili, ang pagbabago ay simulan
Nang makamit ang pangarap na katiwasayan.

Lipunan natin dapat nag kaka isa,,

nagtutulungan at may respeto sa isat isa,

Upang makamit ang kapayapaaang inaasam, at mabuhay ng matiwasay magpakailanman.

Matiwasay Na Lipunan Tula: +5 Na Mga Halimbawa

Ang isang lipunang matiwasay ay naglalarawan sa isang masaganang lugar o pamayanan. Dito, tahimik ang mga residente at mababa o walang krimen na nagaganap. Ito rin ay may malinis na kapaligiran at hindi kurap ang pamahalaan.

Lipunan kong matiwasay
Ika’y aking aalagaang tunay
Sapagkat kaming mga kabataan
Ang susunod sa yapak niyong pinaggalingan

Kaunlaran ay ang aking hangad
Sapagkat kami’y kapus palad
Ako pa rin ay magsisikap
Upang Lipunang Matiwasay ay maganap

Matiwasay na lipunan
Iyon ang aming hangad
Hindi kurakot ang pamahalaan
Aming pinapangarap

Tahimik at mapayapa
Iyon ang aming lipunan
Lahat nag mamahalan
Walang sinong masasaktan

Ito ang aking pangarap
Ngunit ako rin mismo ang sangkap
Ito’y aking paghihirapan
Para sa bukas gayon paman

Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.

READ ALSO: Wikang Opisyal Halimbawa – Kahulugan At Halimbawa

Leave a Comment