Kabanata 40 Noli Me Tangere – “Ang Karapatan At Lakas” (BUOD)
KABANATA 40 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 40 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaapat na pung kabanata.
Ang Kabanata 40 ay may titulo na “Ang Karapatan At Lakas” na sa bersyong Ingles ay “Right and Might”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Sumapit ang ikasampu ng gabi at nag-umpisa na ang pagpapaputok ng kuwitis. Ito ay hudyat ng pagumpisa ng dula. Naroon si Tinyente at Pilosopo Tasyo ukol sa pag-ayaw ni Don Felipo sa kanyang tungkulin.
Dumating ang mga tanyag na tao sa bayan at nag-umpisa na na ang palabas sa pangunguna nina Chananay at Marianito ng “Crispino dela Comare.”
Abala ang lahat sa dula maliban kay Padre Salvi na si Maria ang pinanonood. Dumating ang binatang is Ibarra na ikinagalit ng padre. Ipinag-utos nito kay Don Felipo na paalisin ang binata pero hindi magawa dahil malaki ang iniabuloy ni Ibarra. Dahil sa inis, umalis ang pari.
Sandaling umalis si Ibarra. Maya-maya ay may lumapit na guwardiya sibil kay Don Filipo na ipinahihinto ang dula dahil di raw makatulog ang alperes at si Donya Consolacion ngunit hindi ito pumayag.
Tinangkaan niyang pigilin ang musiko ng dula at nagumpisa ang gulo dahil doon. Nakabalik si Ibarra at hinagkan si Maria. Naibalita naman agad kay Salvi ang nangyari. Nagkapangitain si Padre Salvi tungkol kay Maria na nawalan ng malay at agad siyang bumaba sa kumbento pero walang tao. Kabang-kaba ang pari.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 39 – Si Donya Consolacion
Kabanata 41 – Dalawang Panauhin