Ano Ang Pasalitang Diskurso? (Sagot)
PASALITANG DISKURSO – Ang diskurso ay ang tawag sa pagkakaroon ng makahulugang palitan ng pangugusap ng dalawa o higit pang tao.
Sa Ingles, ito ay tinatawag na “discussion”. Ito ay mahalaga dahil nagpapakita ito ng palitan ng kaalaman tungkol sa mga isyung hinaharap natin.
Ang Pasalita na Diskurso ay ang masining na pagpapahayag ng iyong ideya sa paggamit ng berbal na pamaraan. Isang halimbawa nito ay ang debate o dibate sa Tagalog.
Bukod rito, ang Pasalita na Diskurso ay may dalawang uri: Privado at Publiko.
Ang Privadong pasalita na diskurso ay ang pag palitan ng mga ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang tao na matatawag na “kumbersasyunal”. Ito ay ginagawa na pasikreto sa pagitan ng mga nasa diskurso.
Samantala, ang Pampublikong diskurso ay ang pagsasalita sa harap ng maraming tao. Halimbawa nito ay ang pagrereport sa klase. Isa sa pinakamadaling halimbawa dito ang dibate ng mga politiko.
May mga mainit na isyu na tinatalakay at ang mga politko ay mag bibigay ng kanilang opiniyon batay sa isyu habang may mga manonood.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
BASAHIN RIN: What Is The Scientific Name Of Lablab? (ANSWERS)