Kabanata 30 Noli Me Tangere – “Sa Simbahan” (BUOD)

Kabanata 30 Noli Me Tangere – “Sa Simbahan” (BUOD)

KABANATA 30 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 30 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 30 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung kabanata.

Ang Kabanata 30 ay may titulo na “Sa Simbahan” na sa bersyong Ingles ay “In The Church”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Punong-puno ng tao ang simbahan dahil araw ng pista. Dito, nararamdaman ng lahat ang init sa loob dahil nagsiksikan.

Gayunman, walang patid ang dagsa ng mga tao na nagbabayad ng dalawang daan at limampung piso na halaga. May paniniwala sila noon na marapat nang magbayad ng malaking halaga para sa misa kaysa sa mga panooring komedya.

Ang misa raw ay maari kang dalhin sa langit na di katulad ng komedya na patungo raw sa impyerno.

Matagal bago nakapagsimula ang misa. Wala pa ang alkalde na sinadyang magpahuli para mapansin ng lahat. Ilang sandali ay dumating na siya na suot ang limang medalya na sumisimbolo sa kaniyang posisyon.

Ito na ring ang hudyat para magmisa si Padre Damaso kahit hindi maganda ang pakiramdam. Kasama niya sa harap ng altar ang dalawang sakristan at iba pang pari katulad ni Padre Sabyla. Pagpanhik ni Padre Damaso sa pulpito, nag-umpisa ang sermon niya.

Gayunman, ang mga sinabi ni Padre Damaso sa kapuwa pari si Padre Martin ay tanging panlalait at masasakit na salita. Si Padre Martin ang nagmisa sa bisperas ng pista na si Padre Manuel Martin. Aniya, higit na mas mahusay naman siyang magmisa kaysa kay Padre Martin.

Inutusan ni Damaso ang kasamang prayle na buksan ang kuwaderno para makakuha na ng tala at opisyal na umpisahan ang misa para sa kapistahan.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 29 – Sa Umaga
Kabanata 31 – Ang Sermon

Leave a Comment