Kabanata 29 Noli Me Tangere – “Ang Umaga” (BUOD)

Kabanata 29 Noli Me Tangere – “Ang Umaga” (BUOD)

KABANATA 29 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 29 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 29 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung siyam na kabanata.

Ang Kabanata 29 ay may titulo na “Ang Umaga” na sa bersyong Ingles ay “The Morning”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Abala ang mga tao sa San Diego sa mismong araw ng kapistahan. Maaga silang nagising dahil sa tunog ng kapamana at mga paputok. Naggayak ang mga maykayang mamamayan ng kanilang panakamagagarang damit at mga pinakamamahal na mga alahas at palamuti.

Kapansin-pansin na hindinagpalit ng kasuotan si Tasyo. Binati siya ng tinyente ngunit sinagot siya ni Tasyo. Sinabi nito na ang kasiyahang katulad ng pista ay paglulutstay lamang ng pera.

Isang uri raw ito ng pagpapakitang tao at mas maraming dapat pagtuunan ng pansin na mas mahalaga kaysa nito.

Sumang-ayon naman si Don Filipo sa sinabi ng matanda. Gayunman, wala siyang lakas ng loob na sumalungat sa mga pari.

May sakit naman si Padre Damaso na dapat magmimisa sa araw na iyon. Sa una, tumanggi siya sa pagbibigay ng sermon pero pinilit siya ng ibang pati dahil siya lamang ang makapagbigay ng aral sa bayan. Dahil doon, agad na nagpapahid ng langis at nagpahilot si Damaso upang guminhawa ang pakiramdam.

Alas otso na ng umaga nang nagsimula ang prosisyon ng mga santo. Kahit sa dito, mababatid ang pagkakaiba-iba ng antas ng mga mamamayan. Sa suot na abito ay malalaman agad kung sino ang mararangya at hindi.

Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago na naroon ang alkalde si Kapitan Tiago, si Maria Clara, at si Ibarra.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 28 – Mga Kasulatan
Kabanata 30 – Sa Simbahan

Leave a Comment