Kabanata 13 Noli Me Tangere – “Mga Unang Banta Ng Unos” (BUOD)

Kabanata 13 Noli Me Tangere – “Mga Unang Banta Ng Unos” (BUOD)

KABANATA 13 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 13 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 13 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabindalawang kabanata.

Ang Kabanata 13 ay may titulo na “Mga Unang Banta Ng Unos” na sa bersyong Ingles ay “Signs of Storm”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Nagtungo si Ibarra sa sinasabing libingan ni Don Rafael kasama ang matandang utusan. Sinabi ng matanda na nagpagawa si Ibarra ng nitso si Kapitan Tyago para sa kanyang ama at nagtanim daw ng bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.

Nakita ni Ibarra ang sepulturero at tinanong kun nasaan ang puntod ng kanyang ama. Naalala agad ng sepulturero ang ibig sabihin niya. Sinabi niya kay Ibarra na sinunog niya ang krus at itinapon ang mga labi ni Don Rafael sa lawa alinsunod sa utos ni Padre Garrote.

Hindi maguhit ang mukha ng binata dahil sa pagkabalisang nadarama at naluha naman ang utusang matanda. Hindi nilang maisip na mayroong hindi nagbigay ng galang sa bangkay ni Don Rafael.

Umalis siya sa libingan at nakasalubong niya si Padre Salvi. Hindi pa niya nakilala ang pari pero kinompronta niya at tinanong kung bakit nilapastangan ang ama.

Takot na sumagot si Padre salvi at itinuro niya si Padre Damaso. Natauhan ang binata at agad na nilisan ang pari kahit hindi na humingi ng kapatawaran sa napagbintangang pari.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 12 – Araw Ng Mga Patay / Todos Los Santos
Kabanata 14 – Si Pilosopo Tasyo

Leave a Comment