Kabanata 14 Noli Me Tangere – “Si Pilosopo Tasyo” (BUOD)

Kabanata 14 Noli Me Tangere – “Si Pilosopo Tasyo” (BUOD)

KABANATA 14 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 14 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 14 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabing-apatng kabanata.

Ang Kabanata 14 ay may titulo na “Si Pilosopo Tasyo” na sa bersyong Ingles ay “Tasio: Lunatic or Sage”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Kasabay ni Ibarra sa pagdalaw si Pilosopo Tasyo na dumalaw sa kanyang namayapang asawa.

Ang tunay niyang pangalan ay si Don Anastacio. Siya ay isang pakalat-kalat na matanda sa lansangan ngunit mayaman. Matalino rin siya at mahusay magsalita. Ipinahinto siya ng kanyang ina sa pag-aaral dahil baka makalimot raw niya ang Diyos sa sobrang talino. Nagnais ang ina niyang maging pari ito.

Ngunit sinuway ito ni Tasyo at nag-asawa ngunit namayapa ang kanyang asawa isang taon matapos ikasal. Itinuon niya ang oras sa pagbabasa at napabayaan ang mga minana.

Masaya si Tasyo nang madilim ang langit at maraming kidlat sa langit. Ninanais niya raw na magkadelubyo para malinis ang sangkatauhan.

Nagtungo siya sa simbahan at nakita ang magkapatid. Sinabuhan niya na uuwi sila dahil may espesyal na hapunang inihanda ang ina nila. Natuwa man ang magkapatid pero nanatili sila sa simbahan.

Patuloy nang lumakad si Tasyo hanggang makarating sa bahay nina Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila si Crisostoma at ang nararamdaman niya dahil sa nangyari sa ama.

Nauwi na sa usapang porgatorio. Hindi man raw naninilwala si Tasyo na sinasabi na gabay naman daw ito upang mabuhay nang malinis.

Katulad ng dati, nagpaalam siya at naglakad kahit madilim ang langit at nagngingitngit ang kilog at kidlat.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 13 – Mga Unang Banta Ng Unos
Kabanata 15 – Mga Sakristan

Leave a Comment