Kilos Loob: Ang Kahulugan Nito At Mga Halimbawa

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kilos Loob?”

KILOS LOOB – Ito ay ang kapangyarihan na gumawa ng pasya o pumili ng mga bagay na gusto mong gawin.

Kilos Loob: Ang Kahulugan Nito At Mga Halimbawa

Ang kilos loob ay ang pansariling desisyon mo na ginagawa at kung paano mo ito gagawin. Ito ay umaasa sa isip dahil nasa isip lamang ang katuwiran para ma impluwensyahan ang isang kilos.

Halimbawa:

  • Pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo.
  • Ang pagpili ng damit na babagay sa iyo.
  • Pagpili ng interior-design sa iyong bahay.
  • Ang pagpili ng gusto mong kainin.
  • Pagpili ng uunahing bilihin sa bahay.

Ang Kilos loob ay ang kapangyarihang pumili ng malaya ng mga gusto mo na walang halong impluwensya sa iba. Nasa iyo lamang ang pagpapasya kung ang mga gusto mong gawin ay nakabubuti o nakasasama.

Upang mas sigurado ka sa iyong mga kilos, kailangan may disiplina ka sa iyong sarili. Bukod dito, dapat marunong ka ring mag kontrol ng emosyon.

Dapat mayroon ring pagsusumikap at pagtitiis at pagtitiwala sa sarili na tama ang iyong ginagawa. Ngunit, magagawa mo lang ito kung determinado kang bumago para sa pag-unlad mo.

At higit sa lahat, dapat mayroon kang masusing pagsusuri at pagpapasya sa mga kilos na iyong gagawin bago mo ito isagawa.

Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.

Basharin Rin: Ingklitik: Ano Ang Inglitik At Ang Mga Halimbawa Nito

Leave a Comment