Ingklitik: Ano Ang Inglitik At Ang Mga Halimbawa Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Ingklitik?”

INGKLITIK – Ito ay isang maiikling katagang walang kahulugan kung mag-isa, ngunit, nakapagpapabago ng kahulugan ng isang pangungusap.

Ingklitik: Ano Ang Inglitik At Ang Mga Halimbawa Nito

Sa paksang ito, aalamin natin kung ano nga ba sila at kung paano ito ginagamit.

Halimbawa:

  • Ba
  • Pa
  • Na
  • Nga
  • Man
  • Daw
  • Raw
  • Yata
  • Pala
  • Kaya
  • Kasi
  • Muna
  • Lang
  • Din/Rin
  • Naman
  • Lamang
  • Tuloy

Kung titignan mo silang mag-isa, walang kahulugan ang mga salita na ito. Ngunit, kung sila’y ilalagay sa pangungusap, nag iiba ang kahulugan!

Tignan natin ang pangungusap na ito.
Papunta si Peter“. Ibig sabihin, papunta na ang isang tao, pero, iiba ang kahulugan ng pangugusap pag ginamitan ng inglitik.

  • Papunta pa si Peter.
  • Papunta ba si Peter?
  • Papunta raw si Peter.
  • Papunta pala si Peter.
  • Papunta na nga si Peter.
  • Papunta kasi si Peter.
  • Papunta na si Peter.
  • Papunta yata si Peter.
  • Papunta sana si Peter.

Kung na pansin mo, sa bawat ingklitik na ginamit, umiba yung kahulugan ng pangungusap. Kaya dapat mag ingat tayo sa mga gagamiting salita para maiwasan ang kaguluhan.

Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.

Nagustuhan mo ba ang paksang ito? BASAHIN RIN: HALIMBAWA NG PASALAYSAY – Halimbawa Ng Uri Ng Pangungusap

Leave a Comment