Kasabihan Tagalog: Mga Halimbawa Ng Kasabihan Sa Tagalog

Kasabihan Tagalog: Halimbawa Ng Mga Kasabihang Pinoy

KASABIHAN TAGALOG – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang halimbawa ng mga kasabihang Filipino.

Kasabihan Tagalog: Mga Halimbawa Ng Kasabihan Sa Tagalog

Ang mga kasabihan ay nagbibigay ng payo at nagsasaad ng katotohanan ukol sa mga pang araw-araw natin na mga gawain, kilos, o disisyon sa buhay.

Mga Halimbawa:

  • Ang batang makulit, napapalo sa puwit.
  • Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
  • Ang batang iyakin, nagiging mutain.
  • Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
  • Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati.
  • Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
  • Ang batang hindi matapat, ay masahol pa sa isang ahas sa gubat.
  • Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
  • Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng matagal.
  • Walang lihin na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.
  • Ang katotohanan ang magpapalaya sa kasalanan.
  • Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan, walang tayong maaasahan.
  • Kung ang pagsasama ay walang katotohanan, hindi tatagal ang samahan.
  • Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang.
  • Ang tunay na karangalan, ay nag-uumpisa sa paggalang sa magulang.
  • Para igalang ang magulang, anak ay turuan.
  • Ang totoong kaibigan ay hindi ka uutangan.
  • Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.
  • Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan.
  • Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
  • Ang mayaman ay lalong yayaman, kung sakim at walang pakialam.
  • Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.
  • Kung may tiyaga, may nilaga.
  • Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
  • Ang di magmahal sa sariling wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda.
  • Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa.
  • Kapag makitid ang kumot, matutong mamaluktot.

Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.

Like this article? READ ALSO: English To Tagalog: Tagalog Translation Of “Proverb”

1 thought on “Kasabihan Tagalog: Mga Halimbawa Ng Kasabihan Sa Tagalog”

Leave a Comment