10+ Na Mga Halimbawa Ng Tanka Sa Tagalog
HALIMBAWA NG TANKA – Ang tanka ay mga maikling tula na nagsimula sa bansang Japan.
Katulad ng Haiku, ito ay mahalagang parte ng kultura ng Japan at ginagamit pa rin ang mga ito hanggang ngayon.
Ang pinagkaiba lamang nito sa Haiku ay ang paggamit ng limang linya at sumusunod sa 5/7/5/7/7 na pantig.
HALIMBAWA:
Ako’y gutom na
Para sa pagbabago
Ng ating bayan
Para sa ating bukas
Para sa kabataan
Walang magawa
Ika’y nasa puso na
At di aalis
Habang tumitibok pa
O, ang mahal kong sinta
Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayon taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na
Ang kabataan
Ay pagasa ng bayan
Dapat ingatan
‘Di binabale wala
Upang may mapapala
Ang kagubatan
Dapat ay protektahan
Dapat ingatan
‘Di binabalewala
Ito’y ating tahanan
Naku gabi na
Dapat tulog na ako
Sa bukas naman
Sisimulan ang araw
Na may malaking ngiti
Wala nang iba
Ikaw lamang, Sinta ko
Ang nasa puso
Ikaw ay iingatan
Hinding hindi sasaktan
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: Salitang Magkatugma: Mga Halimbawa Ng Salitang Magkatugma